Chapter 8

63 31 1
                                    

MADALING araw na pero hindi pa rin ako makatulog. Pa lowbat na ang cellphone ko pero nakatitig parin ako rito at sa text niya.

Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko. Dapat akong magalit sa kaniya dahil inaangkin niya ako dahil sa ako ang sinasabi niyang bayad sa utang ni Papa pero iba ang nararamdaman ng puso ko.

Wala akong kahit na ano mang galit tungo sa binata.

Nakaramdam ako ng pag kauhaw kaya nagtungo ako sa kusina. Bahagyang nangunot ang noo nang marinig ang boses ni Van.

Gising pa ang isang ito?

Tumigil ako sandali sa tapat ng kwarto niya at inilapat ang tenga sa pinto.

"M-madali akong kausap pero wag naman ganito. Alam kong mali at ayaw mo pero mahihintay mo pa naman ako diba?" bakas sa boses ng kapatid ko ang sakit.

Mukhang may kausap ito sa cellphone.

Matapos niyang sabihin 'yon ay wala na akong narinig. Kumuha na ako ng tubig at naupo na muna sa sofa.

Sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto niya, bahagya pa itong nagulat pero hindi ako pinansin at pabagsak lang na naupo sa sofa.

"Asan na siya?" tanong niya. Nginiwian ko siya at muntikan ng kaltukan.

"Sino?"

"Si Alice."

Napataas ako ng kilay.

"Asan siya, ate? Hindi niya sinasabi sa akin kung nasaan siya ngayon." seryoso siya sa sinasabi. Hindi naman ako makapaniwalang napatingin sa kaniya.

"Ano bang nangyayari sa iyo, Van? Hindi ko alam kung nasaan si Rhea. At tska tigil-tigilan mo ang pangugulo sa kaniya. Para sa kaalaman mo ay mas matanda si Rhea sayo ng walong taon, kaya dapat Ate Rhea ang tawag mo sa kaniya." tumayo na ako at sinimulang bumalik sa kwarto.

"Matulog kana."

Hindi siya nag salita kaya hinayaan ko na lang. Mukhang may tama talaga ang hinayupak na ito sa kaibigan ko.

-

Maaga akong nagising dahil naalala kong linggo pala ngayon. Mag sisimba ako.

Tulog pa si Van at mukhang pagod kaya hindi ko na siya ginising at nag tungo na sa simbahan.

Maaga palang ay marami na ang mga tao. Napangiti ako nang malanghap ang simoy ng hangin. Ito ang paborito ko, araw ng linggo at ang simoy ng hangin kapag nasa simbahan ako.

"Ganda mo naman, miss." wika ng isang lalaki. May kasama itong isang kaibigan. Inirapan ko sila at tumuloy sa loob ng simbahan.

Napakagat ako ng labi at napa sign of the cross. Nasa loob ako ng simbahan pero panlalait ang nasa utak ko.

"Ate, para sa'yo." napatingin ako sa batang babaeng katabi ko. Ang cute niya. Kinuha ko sa kaniya ang kulay puting rosas.

"Salamat." ngiting wika ko at inamoy ang bulaklak. Ngayon na lang ako nakatanggap ng ganito.

Ang bango.

"Ang ganda mo po. Bagay kayo ng kuya ko." wika ulit ng bata.

Napatingin muna ako kay father na ngayon ay nag papasatinig ng wika ng Panginoon.

Binalingan ko ang bata. Nakasuot ito ng kulay pink na dress at headband na ang design ay hello kitty.

Sino naman kaya ang kuya na sinasabi niya? Mukhang nakahanap ang batang ito ng magandang produkto na ibebenta sa kuya niya. At ako ang produktong 'yon!

Nginitian ko siya at hinaplos ang buhok niya. Napangiti ito at humagikhik ng mahina.

"Ang ganda mo rin at ang cute." pinanggigilan ko ang matambok nitong pisngi. Namula agad ito kaya tinigilan ko.

I love you, Mr. KickboxerWhere stories live. Discover now