Chapter 14

32 12 7
                                    

HUMINGA ako ng malalim bago siya tignan. Narito kami ngayon sa loob ng sasakyan niya. Seryoso itong nag mamaneho. Mararahas rin ang pag tataas-baba ng kaniyang dibdib.

Napakagat ako ng ibabang labi. Hinayupak naman kasing Pedro 'yon. Sarap ingudngod dahil sa kamanyakan. Nag text sa akin kanina si Dina at siya ang humingi ng tawad sa ginawa ni Pedro, pero wala akong pakialam dahil hindi naman niya kasalanan.

Nag vibrate muli ang cellphone ko kaya tinignan ko ito. Bago ko balingan ng maigi ang cellphone ko ay nakita ko si Acre na sumulyap at seryoso rin itong nag iwas.

Dina: Tanginang lalaking 'yon! Kapag nakita ko ay baka ako ang pumutol sa kaligayahan niya! Sorry talaga, bakla. Hayaan mo at makikipaghiwalay ako sa Pedro na' yon!

Basa kong text ni Dina. Hindi ko siya nireply-an. Bumaling ako sa labas ng bintana. Nakarating kami sa bahay ng walang imikan.

"S-salamat kanina pero hindi mo naman kailangang saktan si Pedro." wika ko ng magkaharap kami sa pinto ng bahay.

Tinitigan niya ako nang malamig.

"Pumasok ka na." utos niya at tumalikod. Nangunot ang noo ko at mabilis siyang pinigilan. Iba kasi ang pakiramdam ko sa mga titig niya. Wari ko'y mukhang seryoso siya sa gagawin kay Pedro. Pero sana ay wag. Baka makulong siya paano na ako? Biro lang.

"Teka! H-hindi ka naman seryoso sa pagbabanta mo sa buhay ni Pedro diba? I mean, may ginawa siyang mali pero wag mong dumihan ang kamay mo sa bagay na 'yon." huminga ito ng malalim bago ako hinarap. Napaatras ako ng mag salubong ang tingin namin. Sa klase ng tingin niya ay talagang nakakapangilabot.

Mas seryoso na ang mukha nito at umiigting ang panga.

"Matagal ng marumi ang kamay ko, Delany." makahulugang aniya at hinawakan ang aking braso. Napasinghap ako nang hapitin niya ako para ilapit sa kaniya. Ramdam ko ngayon ang mainit nitong hininga sa bandang tainga ko.

Natutop ako sa aking kinatatayuan nang maramdaman ang labi nito sa aking tainga papunta sa leeg.

"I really want to fvcking kill that asshole. Wala siyang karapatang hawakan ang pag-aari ko."

Napapikit ako ng maramdaman ang labi niya sa aking panga hanggang sa umabot ito sa aking labi. Gumalaw ang mga labi nito. Napalunok ako dahil sa sensasyong nadarama.

"Uhmmm," napaungol ako ng maramdamang isinandal niya ako sa pader.

Nagmulat ako at sumalubong agad sa akin ang malamig nitong abong mga mata.

"Kiss me back, Delany." wika nito at pinagbutihan pa ang pag halik. Napahawak ako sa kaniyang balikan dahil mas naging agresibo ang mga galaw niya.

Napapaisip ako kung tama ba ang mga ginagawa namin. Para sa kaniya ay girlfriend niya ako pero paano naman sa akin? Hindi nga siya nanligaw at ang tanging pinanghahawakan niya ay ang utang ni Papa, na ako ang naging kabayaran. Desisyon rin ang lalaking ito!

May parte sa akin na may paghanga sa kaniya pero hindi iyong gustong katulad ng sa kaniya na gusto niya akong maging kasintahan.

Kinain na rin ako ng sensasyon. Tumugon ako sa mga halik. Napaka agresibo at mapusok. Ramdam na ramdam ko ang malambot nitong labi at ang maiinit at mabango nitong hininga.

"No one can damn touch you except me, Delany. Understand?" aniya sa pagitan ng aming halikan. Tumango ako bilang tugon. Hindi rin nag tagal ay ako na ang unang nag iwas nang mukha dahil na rin kailangan kong makalanghap ng hangin.

Pareho kaming malalalim kung huminga.

Nagtitigan kami nang ilan pang sandali. Ako na ang unang umiwas.

I love you, Mr. KickboxerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora