xxxviii

30 1 0
                                    

[R-18. Read at your own risks.]


∞ xxxviii


"Ano 'to? Sino'ng pumili nito?"


Itinuro ko ang metal na gagamitin para sa hawakan ng hagdanan ko. Umiling ako dahil sa pagkadismaya dahil hindi magandang design ang pinili nila pati ang kalidad nito.


"Hindi po namin alam, Doc. Idineliver lang po 'to no'ng isang araw," sagot sa 'kin 'nung worker. Tumangu-tango ako at muntik nang masapo ang noo. Hindi ko dapat sa kanila ibinunton 'yon dahil nagtatrabaho lang naman at hindi sila ang nagde-decide no'n!


Lumapit ako kina Kyle na nananahimik at kumakain kahit nasa trabaho! Humarang ako sa kanilang dalawa at namaywang. "Sino'ng pumili no'ng hawakan sa hadgan?"


Agad itinuro ni Paul si Kyle kaya napatigil siya sa pagsubo ng kanin at nanlaki ang mga mata. "Uy, ano'ng ako?! Hindi ako!" He denied while raising his both hands, surrendering.


Napataas tuloy ang kilay ko at pinag-krus ang braso. "It's you," I said in full of finality.


"Hindi nga ako!" He defended himself. "Sumunod lang naman ako sa utos ni Engineer since hindi ka naman pumili ng materyales para sa hagdan! Sabi niya kami na lang ni Paul 'yung pumili, si Paul 'yon! Kaya ikaw," bumaling siya kay Paul saka inambahan nang suntok. "Tangina mo, ikaw 'yung pumili! Ako pa sisisihin mo!"


"Halika. Suntukin mo 'ko, tignan natin kung saan aabot 'yang professionalism mo," ngumisi si Paul pagkatapos asarin si Kyle. Kyle just mocked what he said before silencing himself, hindi na makasagot pa.


Napaawang ang labi ko. Hindi pala ako nakapili? Inikot ko na lang ang mata ko dahil para silang mga bata! "Nasa'n si Engr. Fernandez? Hindi ko siya nakita rito," I asked. Instead of getting answers, I received teasing and accusations.


"Uy, bakit mo hinahanap si Engineer? Ikaw, Doc, ha..." They gave me their teasing look and I just glared at them.


"Mga tanga, kakausapin ko lang siya tungkol dito," umirap ako sa kanila dahil hindi pa rin nila pinaniniwalaan ang sinasabi ko! E 'di, 'wag! Hindi ko naman sila pinipilit na paniwalaan ako!


"Sus, sige kunwari naniwala kami. Nandoon si Engineer sa totoong opisina niya at busy," then Kyle winked. I looked at him with gross before picking my bag up.


"Ayus-ayusin niyo trabaho niyo sa bahay ko," pinaningkitan ko sila ng mata bago umalis. Narinig ko pa silang nag-'yes, ma'am!' habang naglalakad ako. Napairap na lang ako sa hangin dahil sa katangahan nila. I don't know, Aurelio is smart but why are his friends stupid?


I started maneuvering my car. The company he's working at were not that far from my house pero dahil traffic ay natagalan ang pagdating ko roon. Sumasakit na nga ang balakang ko kauupo sa driver's seat! Hawak-hawak ang likod ng leeg, lumapit ako roon sa information's desk.

City Lights of the Avenues (Avenue Series #1)Where stories live. Discover now