xviii

29 1 0
                                    

∞ xviii ∞


"May gig tayo sa paskuhan sa Dimensia."


Rinig kong sabi ni Lyle pero hindi ko masyadong natuonan nang pansin dahil nagta-type ako ng message kay Aurelio.


Lavy:

hello bbqoeee o((*^▽^*))o

Aurelio <8:

What?

Lavy:

i miss you.


"Ay oo nga pala! Shit, naputol ko 'yung string ng gitara ko," rinig kong reklamo ni Forest. Nag-angat na ako ng tingin nang hindi nag-reply kaagad si Aurelio.


"May extra string ako," sabi ni Lyle. "Ibibigay ko na lang bukas."


"Weh? Bigay? Baka may bayad talaga 'yan," pagdadalawang-isip ni Forest kaya pinaikot ni Lyle ang mata niya.


"Ano ba'ng sinabi ko? 'Di ba, 'bigay'? Nasaan ang bayad doon?" Sarkastikong tanong ni Lyle kaya napailing ako.


"Para lang sa string ay pag-aawayan niyo na?" Sabat ko at uminom ng tubig. "Grabe na talaga ang mga kabataan ngayon."


"Tangina mo, Lavy," asik ni Forest kaya tinuro ko ang mukha niya at tumawa ng malakas.


"Sungit!" Ani ko. "Kailan nga ulit 'yung paskuhan? Nakalimutan ko, e."


"Ayan, jowa pa! Palagi tuloy may nakakalimutan," komento ni Scythe kaya umirap ako.


"Leche, napaka-bitter ng tao sa paligid," kunwaring nag-iwas ako ng tingin habang sinasabi 'yon, pinaparinggan siya. Natigil lang ako sa pang-aasar nang mag-vibrate ang phone ko.


Aurelio <8:

Uwi ka sakin.

Lavy:

ofc, mon amour.


"Sa December 14 pa po naman 'yon," sagot ni Sol sa tanong ko kanina kaya tumango ako at kinuha ang bag ko at tumayo.


"Oh, saan ka pupunta?" Tanong ni Lyle. Sinundan niya ng tingin ang paggalaw ko. Ngumiti ako sa kaniya at tinignan siya na para bang sinasabing 'Kanino pa ba?' Alam kong nakuha niya 'yon dahil tumango siya at hindi na nagsalita.


Nag-bus lang ako patungo sa Leota Avenue para isang sakayan lang, makaka-sulit pa ako saka huminto sa may lomihan malapit sa LAA. Napalingon ako sa loob ng lomihan at marami nang tao roon.


Gusto kong bumili kaya tinext ko na lang muna si Aurelio na baka matatagalan ako.


City Lights of the Avenues (Avenue Series #1)Where stories live. Discover now