xxv

27 1 0
                                    

∞ xxv ∞



"I'm sorry for your loss..."


Halos lahat ng mga Leotan ay bumisita sa lamay rito sa kanilang bahay. Ramdam ko ang pagod nina Lola at Aurelio kaya nagpresinta na akong tumulong sa kanila. Kahit papaano ay may maganda kaming pinagsamahan ni Tito.


It was such a sudden news. I can't imagine Tito in that situation. Bakas pa ang saya sa mga mata niya noong bumisita ako, then all of a sudden, e 'to ang nangyari. Death is inevitable, but his death isn't right. Tsk. Those reckless drivers...


Tumango lang si Aurelio bilang sagot sa kanila at inasikaso 'yung mga bagong dating. Napalingon ako kay Aurora na naglalaro sa mga laruan niya nang tahimik. I don't know if she's aware of what's happening, but I do hope she understands. Now, the burden will stay at Aurelio's shoulders.


"Lavy!" Napatigil ako sa pagbibigay ng kape nang marinig kong tinatawag ang pangalan ko. It was the squad. Nag-excuse muna ako bago sila nilapitan. "Our deepest condolences, Aurelio..."


Ngumiti si Aurelio, pero ang ngiting 'yon ay hindi na umabot sa mga mata niya. Napabuntong-hininga ako bago binalingan ng tingin ang mga kaibigan.


"Pasok muna kayo. Isiksik niyo na lang ang sarili niyo sa gilid, tutal mukha naman kayong mga alikabok," sabi ko sa kanila habang itinuro ko sa kanila ang gilid. May mga upuan doon na bakante. Marami ang bumisita kaya hindi na kami masyadong nakakagalaw dahil sa sikip.


"'Paka-sama ng ugali," umirap si Forest. "Doon na lang kami sa labas. E 'tong si Chaos, patulungin niyo rito para may magawa sa buhay."


"Ang sungit! Red week mo ngayon, 'no?" Hirit ni Chaos. Natawa na lang ako at napailing.


"Kumuha na lang kayo ng upuan para ilagay sa labas. Tutulong lang ako sandali bago ako lalabas para bigyan kayo ng makakain, hmm?" Sabi ko sa kanila. Lumabas na rin naman sila at pinagpatuloy ko ang pagtulong sa pag-asikaso ng marinig ang boses na kailanman ay hindi ko ginusto.


"I'm sorry for your loss, Lola..." It was Rosie Villegas. "Let me take your work and rest po," gusto kong umirap pero hindi ito ang tamang panahon para iparamdam ang galit. We need to respect Tito's wake.


"Naku, hindi na kailangan, hija—"


"But you need to rest po," she said, smiling innocently. Oh, really?


"Kung ganoon ay sige, magpapahinga na ako. Salamat, Rosie..." Umakyat din naman si Lola kasama si Aurora para magpahinga. Nagsimula na rin siyang tumulong kahit halata namang hindi niya alam kung paano. Aurelio being kind, when he saw Rosie having hard time, he helped and maneuvered her what she has to do.


Iniwas ko na lang ang pansin sa kanila. I convinced myself that there's nothing wrong. He was just helping her since it was his nature to help— he's kind, always. Kumuha na lang ako ng limang tinapay at limang kape para sa mga kaibigan ko bago 'yon inihatid sa kanila.


"Ayos ka lang po ba?" Tanong ni Sol sa 'kin habang tinutulungan ako sa paglipat ng mga dala ko sa mesa nila. "Mukha pong kulang ka sa tulog."

City Lights of the Avenues (Avenue Series #1)Where stories live. Discover now