viii

32 1 0
                                    

∞ viii ∞


[Wala na bang mas mataas diyan, ha, Lavy?]


Napakagat ako sa labi habang tinitignan ang mga kapwa ko estudyante na naglalakad. Napabuntong-hininga ako kasabay ng pag-ihip ng hangin dito sa labas.


"Wala na po..."


[Ayan! Puro banda kasi ang inaatupag mo!] My father shouted angrily from the line.


"Hindi naman po. Hindi ko lang po talaga nagalingan sa pag-illustrate..."


[E 'di galingan mo pa! You are a Garcia! A Garcia is born to be creative, and hugs arts! You should learn to educe your creativity!]


Napapikit ako ng mariin nang sabihin ni Daddy 'yon. Tumangu-tango ako habang nakatitig sa langit para pigilan ang luha.


"Opo..." I answered under my breath.


[Ma-swerte ka't 'yan lang ang ginagawa mo habang nagtatrabaho kami! Learn to return the favor!] After that, the line went dead.


Ibinaba ko agad ang phone ko nang mag-vibrate ang phone ko.


Kuya Lai:

Hear that?

Do your best, Lavy.


I tried so hard not to reply. Kuya ko pa rin siya kaya kailangan ko pa ring respetuhin siya. Unlike other people, they're blessed with kind older brother. I wish I had too.


Napatingin ulit ako sa report card ko. Puro 9 'yon kaya hindi ko alam kung ano pa ba ang kulang. Kailangan ba hanggang 100?


Bumuntong-hininga muna ako bago inilagay sa bag ang report card nang may marinig akong iyak ng isang bata kaya agad akong napalingon do'n.


It was a girl. Kusot-kusot ang mata at umiiyak habang lumilinga sa paligid. Agad kong kinuha ang bag ko at lumapit sa bata na hula ko'y nasa mga 5 years old. Ang bata pa!


I sat down to level the kid. "Why are you crying, baby?" I asked.


"L-lola..." She said while crying.


"Nasaan ang lola mo?" Tanong ko ulit.


"I-I'm lost..." 'Yon lang ang sinabi ng bata kaya kinarga ko agad ang bata para tulungan siyang hanapin ang lola niya. Baka kasi nag-aalala na rin ang lola niya! Malaki pa naman ang Avenue!


I tried to give a smile to the kid. "'Wag kang mag-alala. Tutulungan ka ni Ate, okay?"


Sinimulan ko nang maglakad habang sinusuyod ng tingin ang paligid. Ganoon din ang ginawa ng bata. May natuyong luha pa sa mukha kaya pinunasan ko muna. Hay, hindi ko alam na magiging baby-sitter pala ako ngayon!

City Lights of the Avenues (Avenue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon