xv

28 1 0
                                    

∞ xv ∞


"Kailan, Aurelio?"


Tumigil siya sa pag-ayos ng buhok ko pero hindi pa rin nawawala ang kaunting ngiti sa labi niya. Mukhang iniisip pa niya kung kailan kami lalabas.


"I'll check my schedule first. I just hope you're free..."


"Palagi akong free para sa 'yo, Aurelio!" Ani ko sa kaniya sa masayang tinig. Kahit siguro full 'yung schedule ko that day ay sasama pa rin ako kay Aurelio!


"Chill, woman," he chuckled lightly. "I'll text you."


"Okay..."


"Go now..." He gently pushed me. "As much as I want to escort you, I can't. I still need to help them clean."


"Ang bait mo naman!" Puri ko sa kaniya. Pabirong irap lang ang naging sagot niya sa 'kin. "Pero ayos lang naman, kaya ko ang sarili ko."


He seemed hesitant a bit. Mukhang gusto niya talaga akong ihatid pero may aasikasuhin pa siya sa LAA. Nakakapagod siguro 'yung trabaho niya. It's a good thing that I'm not a member of school committee! Baka siguro pati ako ay stressed din!


Pagkatapos no'n ay umalis na ako. Ni hindi man lang ako hinintay ng mga kupal kong kaibigan! Nakasimangot tuloy akong umuwi.


"Bakit hindi niyo 'ko hinintay kagabi?!" Bungad ko kay Forest nang makita ko siya sa canteen na kumakain. Padabog kong nilapag ang bag ko at umupo sa harap niya. I crossed my arms and legs as I gave her a deadpan look.


"Magkasama kayo ni Aurelio. Alangan namang tumunganga kami doon habang hinihintay ka at pinapanuod kayong naglalambingan sa harap namin?"


Tumaas ang kilay niya habang sinasabi niya. Umirap na lang ako at kumuha ng pagkain niyang nakalatag sa mesa. Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ako nagpatinag. Sino'ng tinatakot niya?


"Alam mo, ikaw? Bumili ka nga ng pagkain do'n, ang dami-dami mong pera!" Asik niya sa 'kin. Nginuya at nilunok ko muna 'yung pagkain bago nagsalita.


"Ayoko nga! Nag-iipon nga ako, e," sagot ko.


Tumaas ang kilay niya. "Aba, himala at naisip mo ring mag-ipon."


"Ginamit ko kasi ang utak ko," walang kwentang sagot ko. Umamba siya ng suntok pero umiwas ako at tumawa ng malakas. "Sabi mo pakakainin mo kami ng macarons? Asan na?"


"Tangina niyo, nilait niyo nga, e," umirap siya. "Bibili muna ako ng ingredients. Gusto mo ngayon na?"


"Matagal gawin ang macarons. Ano ka, anak ni Gordon Ramsay? Mabilis makaluto ng macarons?" Prangkang tanong ko.


"Di mo sigurado, Lavy. Anyways, may irereto ka ba diyan? Hindi mo 'ko sinagot 'nung nagtanong ako sa 'yo!" Tinuro niya pa ako.

City Lights of the Avenues (Avenue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon