xi

38 1 0
                                    


∞ xi ∞


"Bruha ka! Iniwan mo kami kagabi!"


Muntik na akong masubsob sa mesa nang biglang tinulak ni Forest ang ulo ko! Masama ko siyang tinignan.


"Anong iniwan?! Binaliktad niyo pa! Saka nag-chat naman ako sa inyo, ah?!" Depensa ko sa sarili.


"Oo nga, pero late ko nang nabasa!" Aba, siya pa galit?!


"Bakit, kasalanan ko ba 'yan?!" Umirap ako saka pinagpatuloy ang pag-inom ng kape. Shit na 'yan, bukas na 'yung pagbabalik-impyerno— Klase namin! Hinihilot ko 'yung kamay ko dahil alam kong mamamanhid na naman 'to kapag nakahawak na ng pens at markers para sa plates.


"Hinanap kita kagabi dahil nawala ka. Saan ka ba nagpunta?" Tanong ni Lyle sa 'kin. "Bumili lang naman ako ng alak para sa 'ting dalawa tapos pagbalik ko, wala ka na do'n."


Agad akong napangiti nang maalala ang nangyari kagabi. Ah, Aurelio... Ligawan mo na lang kasi ako, mag-ye-yes agad ako!


"Kasama ko si Aurelio," sabi ko habang hindi nawawala ang ngiti sa labi. Biglang tumikhim si Lyle at umiwas ng tingin. "Bakit?"


"Magkasama kayo ni Aurelio? Shuta ka, saan kayo nagpunta?! Nag-sex kayo?" Agad nalukot ang mukha ko sa tanong ni Forest.


"Napaka-advance mo naman masyado! Nandoon lang kami sa tuktok ng burol habang tinatanaw 'yung abenida," sagot ko saka uminom ulit ng kape.


"Weh?" Umirap ako. Pinagdududahan pa rin nila ako!


"Bakit hindi kayo naniniwala?!" Lumaki pa ang mata ko habang sinasabi ko.


"Duh, Lavy. Si Aurelio pa ang pagsasabihan namin ng 'ingat'!" Napanguso ako sa sinabi ni Scythe. "Baka nga ikaw 'yung mag-i-initiate, e."


Tumayo ako at agad siyang tinuro. "Napaka-judgerist mo namang lingkaw ka! Kaibigan mo 'ko! Ako pagsabihan mo niyan!"


"'Yun na nga. Kaibigan kita kaya alam ko na ang likaw ng bituka mo," umirap sa hangin si Scythe saka uminom ng tubig. Napasimangot ulit ako at umupo ulit sa upuan.


"Hay, magsusulat na naman ako ng digest," nakasabunot si Chaos sa buhok niya habang sinasambit 'yon. Nakaub-ob din ang ulo niya sa mesa.


Dahil sa sinabi niya ay napaub-ob din ako sa mesa at ngumuso. Ngayon pa lang ay napapagod na ako sa paggawa ng plates. Ayos lang namang mapagod, pero ayaw kong mapagod lalo na't hindi ko naman gusto 'yung kurso ko!


"Makakapag-sulat na naman ako ng nobela," napabuntong-hininga ako nang marinig ang sinabi ni Sol. Sana all excited.


"Ay, oo nga pala! May na-perfect na akong luto, gusto niyong tikman?" Tanong ni Forest.


City Lights of the Avenues (Avenue Series #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें