xiv

40 1 0
                                    


∞ xiv ∞


"Oh, shit, bakit umiikot na kayo?"


Nakahawak na si Chaos sa ulo niya habang nakayuko ang ulo sa lamesa. Kanina pa tapos tumugtog ang mga banda kaya nagsi-laklakan na kami ng alak dito.


"Kasi ang earth ay nasa solar system," walang kwentang sagot ko saka uminom ng gin mojito.


"Tangina, lasing na kayo?" Turo sa 'min ni Forest saka tumawa.


"'Di pa ako lasing, boba!" Tinuro ko agad si Chaos. "'Yan ang tanungin mo kahit halata naman!"


Kahit nakasubsob sa mesa ay pilit pa ring inangat ni Chaos ang ulo niya at tinignan kami ng masama habang nakaturo sa sarili.


"Shinong lashing? Ako? Hindi pa ako lashing, mga tanga! Hinding-hindi ako magiging lashing," pagpupumilit niya pa. Umirap na lang ako at hindi nagsalita.


"Anong 'hindi lasing'? E, hindi mo nga mabigkas ng maayos 'yang salita mo!" Pangse-sermon ni Scythe sa kaniya.


"Maayosh kaya!"


"Bobo ka, Gulo. 'Wag ka nang magsalita," sabat ni Forest.


"Sol, pupunta ka sa LAA sa lunes?" Tanong ko sa kaniya. Napapagod akong makinig doon sa pagtatalo nila. Lumingon siya sa 'kin.


"Hindi ko pa po alam. May tinatapos kasi akong nobela ngayon, gusto ko sanang matapos na agad," sagot niya sa 'kin saka sumimsim ng pineapple juice. 'Yun lang 'yung iniinom niya.


"Bakit? Sama ka na lang sa 'min!" Aya ko sa kaniya.


"Titignan ko po, pero hindi po ako mangangako," tumango ako sa sagot niya. "Lavy, si Aurelio."


Ininguso niya ang bandang likod ko. Dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ni Aurelio ay lumingon ako sa likuran ko. A smile immediately stretched on my lips when I saw him walked towards our table.


"Hey!" Agad akong tumayo para salubungin siya. "Bakit ka umalis sa table niyo? Iniwan mo sina Paul?" 


"They're okay," sabi niya at inilahad sa 'kin ang kamay niya. Napataas ang kilay ko doon dahil sa kuryosidad.


"What? Magpapagandahan ba tayo ng palad?" Tanong ko sa kaniya habang nakatitig sa palad niya. Nakaka-tempt tuloy hawakan.


"Silly, I want to have a dance with you," nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Saktong biglang nag-iba 'yung tugtog. Mula sa rock ay naging slow 'yon, romance. Bumaling si Aurelio sa mga kaibigan kong kanina pa tahimik na nang-aasar habang nakatingin sa 'min. "I'll borrow your friend for awhile."


"Sus, ayos lang! Kahit hindi mo na 'yan iuwi tutal makapal naman ang mukha ng babaeng 'yan!" Sinamaan ko ng tingin si Forest dahil sa sinabi niya.

City Lights of the Avenues (Avenue Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat