xxi

22 1 0
                                    

∞ xxi ∞


"Pucha, ang sakit na ng kamay ko!"


Magkasalubong ang kilay ko habang hinihilot ang daliri. Kanina pa ako gumagawa ng plates dahil pasahan na naman sa susunod na araw pero gusto kong magawa ko na agad.


I used to love cramming and procrastinating, but now, I am doing my plates which should be passed on the next day. Aurelio really taught me things that made me realize.


I hate Architecture, but because of Aurelio, I learned to love it.


But I don't think I love it at the moment because it's pretty annoying! It's pissing me off because I want to rest! But I can't because it's almost summer, our school year has almost come to an end. Meaning, we need to comply our requirements.


Ilang araw ko na ring hindi nakikita si Aurelio kaya masama ang loob ko. Magkatawagan pa rin naman kami, minsan ay FaceTime pero hindi siya sapat sa 'kin. I badly want to cuddle with him.


Kahit pwede naman akong pumunta roon, hindi pa rin pwede. Hindi ko rin naman siya madadaldal dahil kagaya ko ay nagco-comply rin siya sa requirements niya.


In short, busy kami pareho. Goals ganoon. Kahit sa tawag namin ay hindi kami nagsasalita at puro hininga lang ang maririnig sa isa't isa dahil naka-focus kami sa ginagawa namin.


"Ang ganda talaga ng buhok mo," I randomly said as I caressed the ends of Forest's hair. Bigla naman siyang ngumisi.


"Ayan ka na naman, Lavy. This is me lang," napairap naman ako sa kaniyang sinabi.


"'Yung buhok mo lang naman ang maganda sa 'yo," I rolled my eyes.


As usual, nandito kami sa tambayan. Kahit sandali lang ay gusto kong mag-relax para na rin ipahinga 'yung kamay ko. Kami lang tatlo nina Chaos rito since hindi makapunta ang iba naming kaibigan dahil sa requirements.


Katatapos lang ipasa ni Forest ang pastries niya para sa huling requirement nito habang si Chaos ay tahimik na nagta-type sa laptop niya at pa-minsan-minsan inililipat ang tingin sa librong nakapatong din sa mesa.


Napabuntong-hininga na lang ako at isinandal ang likod sa backrest ng upuang kahoy bago tumingala sa langit. Halos magkulay violet na 'yung langit dahil malapit nang mag-gabi. It was a beautiful phenomena kaya kinuhanan ko 'yon ng litrato.


It was so mesmerizing that I wanted Aurelio to see it. Kaya nagplano agad akong i-send 'yon sa kaniya. Akma kong ise-send 'yon nang makitang typing si Aurelio.


aurelio_f sent a photo.


aurelio_f:

The skies reminds me of you.


My heart thumped as I read those inside my mind. I can't help but to smile while composing my reply.

City Lights of the Avenues (Avenue Series #1)Where stories live. Discover now