☪️ CHAPTER 44☪️

Start from the beginning
                                    

Mukhang nagalit sya dahil tinatawanan ko ang kuya nya.

"HAHAHA hindi, ok lang." napatingin ako sa kanya at nakita ko ang kanyang magandang ngiti.

"Itong research paper mo mukhang nagulo ko pero maayos ko sya agad akin na yung hawak mo." ibinigay ko naman ang papel na hawak ko.

Nakaluhod kaming pareho sa gilid ng kalsada kaya pinagtitinginan kami ng mga ibang studyante.

Tinitingnan ko ang ginagawa nya habang inu-organize nya ang mga papel ayon sa pagkasunod-sunod.

Napansin kong iba ang uniform nya, taga kabilang school pala sya kaya pala ngayon ko lang nakita ang mukha nya.

Gusto kong malaman ang pangalan nya ngunit wala syang suot na ID o kahit name pin sa kanyang uniform.

"Done!" agad kong inayos ang salamin ko ng inilahad nya sa akin ang mga papel.

Chineck ko naman ito at tama ang pagkakasunod-sunod nya ng mga research paper ko. Hindi ko aakalain na maoorganize nya ng ilang minuto lang sa tingin ko ang talino nya.

Tumayo naman kami ng sabay bigla syang yumuko sa akin na ikinagulat ko.

"Sorry talaga nasayang tuloy ang oras mo dahil sa akin." hinging paumanhin nya.

"HEHEHE nope ok lang may 10 minutes pa naman bago magsara ang gate ng school namin." sabi ko na ikinaagat ng kanyang ulo.

Ngumite sya ng malaki "Salamat..."

"Nako kailangan ko ng umalis baka malate ako sa klase namin. Sige ah sorry talaga, BYE!" sabay takbo nya ng mabilis.

"TEKA ANONG PANGALAN MO!?"

"HELL!" balik nyang sigaw.

Napakunot ako ng noo galit ba sya sa akin at hell ang isinagot nya sa akin? Pinapapunta nya ako sa impyerno?

~

Gumising ako ng maaga para abangan sya at nakita kong may kasama syang lalake na matangkad sa kanya ng kaunti mukhang kuya nya ata.

"Hellia bilisan mo naman maglakad kundi iiwanan kita." sabi ng kuya nya.

"Edi iwan mo ako kailan ba tayo sabay pumasok aber?" Prrfff palabiro nga sya.

Hellia pala ang pangalan nya kaya pala Hell ang sagot nya sa akin dahil pinaikli ng Hellia.

"Hellia."

"Oo na sorry. Hindi dapat ako sasagot." parang alam nya ang susunod na mangyayari.

"Bukas kasi magkotse naman tayo kuya lagi mo na lang kasi hinihinto ang kotse malayo sa Academy psh." nakabusangot nitong sabi.

Sumisiksik ako sa pinagtataguan ko nang nadaanan nila ako. Napansin ko naman ang biglang paghinto ng kuya nya.

"Bakit kuya?"

Lumingon-lingon ang kuya nya at mukhang hinahanap ako.

"Wala tara na." sabi nito at inakbayan nya si Hellia sa sila umalis at hindi ko na nakita. 

Nakahinga naman ako ng maluwag.

-------- END OF FLASHBACK-------

Simula ng araw na yun palagi ko na syang binabantayan kahit sa loob ng academy nya ay pumapasok ako ng palihim para lang hindi mahuli at para makita sya.

Bumaba din ang grades ko kaya lagi akong tinatanong ng dalawang to kung ano ang nangyayari sa akin at parati akong wala hanggang sa nalaman ng parents ko ang tungkol sa grades ko kaya pinalipat nila ako ng skwelahan kung saan maraming basagulero.

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now