"Good night, nae sarang," he responded.

Tulad ng sabi ni Soo-joon, tulog lang ang nangyari. Ang aga niyang nakatulog at mukhang puyat dahil humihilik pa ito. Samantalang ako alas dose na dinalaw ng antok. Iwan,  maaga naman akong natutulog pero that night para akong nakainom  ng kape.

Nagising akong wala si Soo-joon sa tabi ko. Dali akong bumangon at hinanap siya pero hindi ko siya nahagilap. Kinuha ko ang bag ko at lumabas sa nakabukas na pinto.

Paglabas ko sa hotel agad akong sumakay sa aking sasakyan at dumeretso sa condo. Dali-dali akong nagshower pagkarating ko doon. At pagkatapos nagbihis ng pag-office. Late akong nakarating sa work place ko. Hindi na nga ako nagbreakfast kahit na kumukulo ang aking sikmura. Kasalanan ito ni Soo-joon, e. Hindi niya ako ginising. Aware naman siguro siya na may trabaho ako.

"Himala,  late ka ngayon... " panunukso ng co-worker ko. Siya iyong magkatabi kami ng table. "Nainterview mo na ba si prince Lee Soo-joon?"

Umupo ako sa aking upuan at nilapag ang bag sa mesa. "Hindi pa pero nakausap ko na siya tungkol sa interview.  Magseseat muna kami ng date kong kailan."

"Wow!"She was amazed. "Ang bilis, ah."

"Thanks for your info..." I gladly said.

Nagkibit balikat lamang siya saka muling tinoon ang ginagawa sa computer. Binuksan ko na rin ang computer ko.

Subrang busy ko sa araw na iyon. Halos hindi na ako umaalis sa upuan ko. At doon na nga ako kumain. Susme! For sure my cause of death will be: hardworking.

After work umuwi na ako sa condo. Kailangan ko nang magpahinga. Stress na stress na ako. Pagdating ko sa condo ko, napalitan ang stress ko ng takot. Nang isaksak ko na kasi sana ang susi card ko sa pinto,  laking taka ko dahil naka-unlock na ito. Nanakawan ba ako? But impossible naman. Masyadong higpit ang security ng condo na ito para mapasok ako ng magnanakaw.

Dali akong pumasok sa condo upang tingnan kung anong kalagayan ng loob.  Wala naman nagbago. Tulad parin ito nang umalis ako.  Napatingin  ako sa kusina nang may parang nalaglag doon. Tinungo ko ito at nakakunot-noo na lamang ako sa aking naabutan.  Si Soo-joon iyon,  nagluluto. He is half naked habang nakasuot ng apron.

"Anong ginagawa mo dito?" Agad na tanong ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin. "Can't you see what I'm doing...? I'm cooking your dinner..." Pilosopo niyang sagot.

Lumapit ako sa kanya. "Paano ka nakapasok dito?"

"Binigyan ako ng susi ng daddy mo." Sagot niya.

Gosh, I forgot.  Binigyan ko pala ng duplicate ng susi sina dad and mom.

"Okay... Pero dapat hindi ka pumasok dito. My God, Soo-joon! Trespassing yang ginagawa mo!" I shouted at him.

"Why are you mad at me? Hindi ba pwedeng pumasok ako dito?" He off the oven. Saka humarap siya ulit sa akin. "Dapat nga ako ang magalit sayo dahil umalis ka nang walang paalam kanina."

Bakit ba ako galit? Hindi ko rin alam kung bakit ako galit.

Yumuko ako. "I'm sorry," tanging nasabi ko.

Hinawakan ni Soo-joon ang mukha ko  kaya napatingin nalang ako sa mukha niya. Ngumiti siya sa akin habang ako ay walang reaksyon ang mukha.

"It's okay." He said before kissing my forehead.

Ang akala ko doon lang dedestino ang labi niya. Hinalikan niya rin ako sa tangkay ng aking ilong hanggang sa labi. Napatanga na lamang ako kahit na saglit lamang iyon. Pakiramdaman ko nabitin ako. Iwan.

Hindi parin niya binitiwan ang mukha ko. Napapikit na lamang ako nang sa ikalawang pagkakataon muli siyang humalik sa aking labi. Pero sa pagkakataon na ito hindi na ito saglit. Ramdam ko ang malambot niyang labi na nakadikit sa akin. Lalo na nang gumalaw ito. Parang may kuryenteng dumaloy sa lahat ng veins ko sa katawan.

Banayad ang bawat galaw ng labi ni Soo-joon. Kahit hindi ako gumagalaw at sinusukluan ang mga halik niya hindi parin siya tumigil. Kalaunan natukso na lamang akong tugunan siya. Gumalaw ang mga labi ko tulad ng sa kanya.

Binitiwan ni Soo-joon ang aking mukha at dumeretso ang kamay niya sa aking hips. Hinila niya ako ang katawan ko doon upang mapadikit kami sa isat-isa. Napasinghap nalang ako sa kanyang ginawa.

Nagsimulang naglilikot ang kanyang mga kamay sa mga parte ng katawan ko. Mula sa hips ko, bumaba ito sa aking hita. Ang isa naman ay nasa aking likuran, parang hindi mapakali.

We stopped kissing each other, nang halos maubusan na kami ng hininga. Ngumiti siya sa akin na ako naman ay yumuko na lamang sa hiya.

"Go, change your garbs. Malapit na akong matapos," He said.

Iniwan ko siya roon at pumasok sa kwarto. Halos maglampasay ako sa kilig nang inilock ko na ang pintuan. Ano naman kasi, ang lambot ng lips niya. HAHA.

After ko magchanged ng pambahay naglakad ako pabalik sa kusina. Pero nang makitang nakaupo na si Soo-joon sa dining table, doon na lamang ako dumeretso. Umupo ako sa harapan ng inuupuan niya. Nilagyan niya ng kanin ang plato ko kasunod ay  ang dining chicken na niluto niya kanina. Nakainlove naman talaga ang koreanong ito, marunong magluto ng fave ko.

Tahimik kaming kumakain, nang bigla na lamang siyang nagsalita.  Napatigil ako dahil dito. "Sasama kaba sa akin sa North Korea kung yayain kita?" Tanong niya.

"But Soo-joon—"

"Alam kong takot ka. Pero believe me... Hindi na mangyayari ang nakaraan. Maniwala ka sa akin. " He promised. "Next month will be my coranation as an imperor of my country. I want you there. Not being my girlfriend but as my future wife, as a future mother of my country. So, Belle, did you take my proposal?"

Wait, is he proposing me? Really,  infront of adobong chicken. Can't believe it.  Pero nakakakilig parin.

"I know you're disappointed. I'm proposing without ring. I can't afford  to give you ring. What I can certainly give you is a crown," ngumiti si Soo-joon na halatang nenenerbyos. "Bellina Celestina Barcelona, allow me to marry you, please?"

Hindi ko napigilan ang sarili na mapaiyak sa saya. "Hindi ko alam kung saan 'to patungo pero susugal ako. Kaya binibigyan na kita ng permission na pakasalan ako."

Bigla na lamang tumayo si Soo-joon at lumapit sa akin. Niyakap niya ako, sinuklian ko rin ito. Walang masidlan ang kasiyahan na nararamdaman ng aking puso.

To be continued...

I'm Crazy In Love With A Runaway Badboy PrinceWhere stories live. Discover now