Chapter 12

56 7 0
                                    

Everyone enjoyed making bonfire. Habang ako ay nagmumukmok sa loob ng tent. Akala ko ito ang kauna-unahang departmental week na magsasaya talaga ako, hindi pala. Pinagsisihan ko na sumama pa ako.

Bumalik si Soo-joon sa tent ko na may dalang mineral water. Ang akala ko ibibigay lamang niya ang dala at iwan na niya ako pero hindi. Pumasok siya sa loob ng tent ko at humiga sa aking gilid. Kunot-noo ko siyang tiningnan habang tinitungga ang mineral bottle na bigay niya. Bakit ba to humihiga diyan sa higaan ko?

Soo-joon closed his eyes. "I'm tired," he murmured.

Nilapag ko ang mineral water sa gilid at marahan na tinulak si Soo-joon upang pagbuksan niya ako ng mga mata. Umarangkadang umupo siya habang hindi maipinta ang mukha.

"Bakit ba?" Iritado niyang tanong. "You know... I'm tired finding you." Sa boses niya, para itong nanunumbat.

"Edi sana hindi mo nalang ako hinanap!" Iritado ko ring sagot.

Napaisip ako sa sariling sagot ko. Paano kaya kung hindi ako hinanap ni Soo-joon? Ano na kaya ang nangyayari sa akin, ngayon? Siguro ginawa na akong hapunan ng monster na iyon.

Hindi nagsalita si Soo-joon. Muli siyang humiga at muling ipinikit ang mga mata. Hindi ko nalang rin siya enestorbo. I was just staring at him, admiring his handsome face. Napaka-gwapo niya habang nakapikit ang kanyang mga mata. His totally perfect.

"Don't stare at me." Bigla niyang sabi. "Baka matunaw ako."

Dali kong inilayo ang paningin kay Soo-joon. Pero nang marinig ang hagikhik niya muli ko siyang tiningnan, egsakto rin ang pagbukas ng kanyang mga mata. Ngumuso ako sa kanya upang itago ang kilig na nararamdaman nang bigla niyang hinila ang laylayan no suot kong sanina kaya nasubsob ang katawan ko sa kanya. Kung kailan gusto kong mag-move-on saka siya gumagalaw ng ganito. Ano ba talaga Soo-joon?

Napangiti ako nang pumulupot sa akin ang mga bisig ni Soo-joon. Bumuntonghininga siya bago muling ipinikit ang mga mata. Humiga ako ng maayos sa tabi niya habang ginagawang unan ang kanyang dibdib. I embraced him then slowly closed my eyes with smile.

Hours passed. Nagising akong wala na si Soo-joon sa aking gilid. Dali akong umupo at nang lalabas na sana ako sa tent nang dumating siya. Pumasok siya doon. Inayos ko nalang ang aking pag-upo at tumikhim nang bumalik siya sa paghinga sa pwesto niya kanina habang abalang-abala sa cellphone na hawak. Tumingin ako sa maingay na labas, halatang may kasiyahan na nangyayari. Hindi nga ako nagkakamali. They're playing a game, hindi ko lang alam kung anong laro ito.

"You want to go outside then join with them?" Biglang tanong ni Soo-joon sa 'kin.

"No. Nakakapagod ang ginagawa nila," sagot ko.

Siguro kung kasama ko si Soo-joon sa labas baka mapilitan akong lumabas. Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako naririto. Siya lamang ang nag-iisang rason ko. At worth it naman na sumama ako. Kung nandito lamang si Lizzie - wait, nasaan na kaya sila ni Dollane?

"Don't worry about your friend, Lizzie," entro ni Soo-joon. "She is with Dollane in his tent."

Bumalik sa aking alimpatakan ang nakita namin kanina. I was still confused. I have lots of questions for Lizzie. Siguro tatanungin ko nalang siya bukas.

Tumingin ako kay Soo-joon. "Really... Thanks god!"

I was happy to hear the good news. Hindi ko napigilan na mapangiti nang malaki dahil dito. Masaya ako dahil ligtas sila. Tumayo ako para puntahan si Lizzie sa tent ni Dollane. Siguro akong nandoon siya dahil wala naman siyang ibang pupuntahan.

I was almost outside of the tent when Soo-joon asked. "Saan ka pupunta? "

"I'll check Lizzie," I replied to him.

I'm Crazy In Love With A Runaway Badboy PrinceWhere stories live. Discover now