chapter 5

100 8 0
                                    

Eight in the evening when we were arrived at the house. Hinatid ako ni Soo-joon. Ayaw na sana niyang pumasok sa loob pero pinilit ko siya at pumayag naman siya kalaunan. Pinagbilin ko sa guard namin ang motor ni Soo-joon bago kami nagpatuloy pumasok sa loob ng bahay.

"Ma'am belle, kanina pa po kayo hinahanap ng mga magulang mo," bilin ni mang Renz.

Nginusuhan ko ang guard bago nagpatuloy pumasok sa bahay habang sumusunod si Soo-joon sa akin. I opened the door for him. Naabutan namin sa sala ang mga magulang ko, alalang-alala. Lumapit sila sa akin at agad na yumakap si mom sa akin.

"Where have you been?" mom asked, she still hugging me. "Alalang-alala kami sa iyo."

Bumitiw sa pagyakap si mom sa akin. Hinaplos niya ang aking pisngi. Napahinto na lamang siya nang napatingin sa likuran ko, kay Soo-joon. Nabigla siya, ganoon din si dad na nakatingin rin kay Soo-joon. Bakit parang kilala nila ito? Meron ba akong dapat malaman?

Humarap ako sa kanilang lahat. Nagpasalin-salin ang paningin ko sa kanila. Kung sa ekspresyon ni Soo-joon ang pagbabasihan ko para namang hindi niya kilala ang mga magulang ko. Soo-joon act like it is his first time to meet my parents.

"Mr. Moon, what are you doing here?" my dad asked to Soo-joon. "Is there something wrong at your work?"

Litong-lito ako habang nagpasalin-salin parin ang aking paningin kina Soo-joon at daddy. Tika lang ha...work? Ano bang ibig sahibin ni dad? Nagtatrabaho ba si Soo-joon sa hotel namin? Iyon lang naman ang puwedeng maging explinasyon sa pahayag ni dad. Pero bakit hindi ko siya nakikita roon?

Tipid na ngumiti si Soo-joon saka bahagyang yumuko upang magbigay galang sa mga magulang ko. Tumabi ako sa kaniya, napatingin naman si mom sa akin saka kay dad na parang meron silang senesekreto sa akin

"No sir...hinatid ko lang ho si Bellina," sagot ni Soo-joon. "Humihingi rin ako ng despensya dahil hindi ako pumasok kanina."

Nagkamot si dad ng ulo. Tumikhim siya at nagpasalin-salin ang paningin niya sa amin ni Soo-joon. Dad acting strange. Para talagang may tinatago siya sa akin. At Kung ano man iyon...kailangan kong malaman.

Sininyasan ni dad si mom na iwan sila. Kinuha ni mom ang aking kamay. Ayaw ko pa sanang iwan si Soo-joon pero pinilit ako ni mom. Sapilitan niya akong ginaya patungong kitchen. Nagprepare si mom doon ng snacks, ako naman ay hindi mapalagay sa pag-iisip na kung anong pinag-uusapan nina dad at Soo-joon.

Kumuha si mom ng petcher na may laman na juice sa refrigerator, sinamantala ko ito upang makatakas. Dahan-dahan akong humakbang palabas ng kusina ngunit nang tingnan ko sina dad at Soo-joon sa pinag-iwanan namin wala sila roon. Hinanap ko sila sa sala, wala rin sila doon. Lumabas ako ng bahay at doon ko sila nahagilap sa parking area. Gaano ba ka pribado ang pinag-uusapan nila para lumayo pa sila?

"Nandito kalang pala..." si mom ito, nasa aking likuran siya. "Bigla ka nalang nawala sa loob."

"Mom, kilala ba ni dad si Soo-joon?" Tanong ko dito nang nasa tapat ko na siya.

"Oo, baby... Si Soo-joon ay nagpapart-time job sa hotel natin. Bakit mo naitanong?" si mom.

Nakatingin parin ako kina dad at Soo-joon. "Bakit hindi ko siya nakita roon?"

Mismong si mom ang tumayo sa harapan ko kaya naagaw niya ang aking pansin. "Night shift kasi siya," sagot nito.

Iniwan ako ni mom at lumapit siya sa dalawang nag-uusap. Napangiwi ako sa nalaman. Bakit ba siya nagtatrabaho? Self support lang ba siya? How about his parents, nasaan ba ang mga ito? Don't tell me, pinapabayaan lamang nila ang anak nila.

Papalapit na sila sa akin na nagtatawanan. Hindi mawaksi sa paningin ko ang kagwapuhan ni Soo-joon habang tumatawa. Ang kanyang mga mata ay lalong lumiliit at ang kanyang labi habang naiinat ito lalong naging kulay rosas.

I'm Crazy In Love With A Runaway Badboy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon