Chapter 28

74 8 0
                                    

"Hindi yun ganun,  Soo-joon," mahinahon kong sabi.

"Then bakit?" Nakakunot ang noo niya. Nasasaktan. "Why you acting like that?"

"Dahil ayaw ko nang mangyari ang nangyari dati!"

"It's that it?" Umamo ang mukha niya. "Nae sarang, hindi na yun mangyayari." Lumapit siya sa akin at muling yumakap. Hinaplos niya ang buhok ko sabay bulong, "promise hindi na yun mangyayari. Believe me."

Sa pagkakataong iyon, sinuklian ko na ang yakap niya. Humahagulhol na rin ako na parang bata. Years ko itong hinintay, aarte pa ba ako.

"Don't cry. Sshh...!" Tahan niya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo kasunod sa tangkay ng ilong, kasunod sa labi. It was just a smack, pero ramdam ko parin ang malambot niyang labi nang dumampi ito sa akin.

Winaksi ko ang aking mga luhang na dumadaloy sa aking pisngi. At nang matapos ko itong gawin, tipid akong ngumiti sa kanya,sinuklian rin niya ito. Kasunod kinuha niya ang bag na hawak ko at inilagay ito sa night stand na hindi parin ako binibitawan.

"I'm sleepy, nae sarang..." parang bata niyang sabi. "It's already 7 in the evening."

Alas seite na pala. Ang bilis ng oras. Alas kwatro ako umalis ng opisina. Plano ko sanang mag-over time dahil marami akong gagawin. Naudlot lang.

"Ahmn, go ahead..."

"I want to cuddle with you, nae sarang..." he said with a puppy eyes.

Cuddle lang, huh! Wag nang mapunta sa kung saan.

"O-okay...  but I  need to change my office outpit first. Medyo hindi ako komportable na matulog ng ganito,"  sabi ko na totoo naman.

Bumitiw siya sa akin at lumapit sa maleta. Kumuha siya ng t-shirt at padjama sa loob nito at binigay sa akin na hindi ko tinanggihan. Gustong-gusto ko na talagang magbihis.

"Pwede magtakip ka muna ng mata or tumalikod... Magbibihis lang ako," pakiusap ko sa kanya.

"Okay..."

Tumalikod si Soo-joon sa akin. Dali kong hinubad ang mga suot kong damit at pinalitan ng bigay niya. May pagmamadali ko itong ginawa, hindi kasi ako sanay na magbihis na may kasama.

"Are you done?" He asked.

"Yeah," sagot ko habang inilagay sa aking mga damit sa bag. Malaki-laki naman ito kaya kasya ito doon.

Humarap siya sa akin at tiningnan ang kabuuhan ko. Halatang na-impress siya sa suot ko na kinahiya ko. Diyos ko naman, ba't naman siya ganito umakto.

"Do you want to eat first?" Tanong niya. "Baka magutom ka mamaya."

"Ha?!" Nabigla ako sa huling sentence na sinabi niya. Iba kasi ang kahulugan sa akin. Ano ba 'tong utak ko, ang halay!

"I m-mean no," dali kong sabi. " Kumain naman ako kanina, eh."

That was true. Nag-snack ako kanina before ako pinatawag ng boss namin. Hindi pa naman ako gutom. At siguro naman hindi ako magugutom mamaya dahil tulog lang naman ang gagawin namin.

"Okay," tanging nasabi ni Soo-joon. Pumatong siya sa kama at sininyasan akong lumapit sa kanya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya na may kunting hiya na nararamdaman. Matagal kaming hindi nagkita kaya siguro normal lang ito.

Hinila ni Soo-joon ang kamay ko kaya natumba ako sa kama, sa tabi niya. Agad niya akong niyakap at muling siniksik ang kanyang mukha sa leeg ko. Nakatanga na lamang ako sa kisame na hinayaan siyang ganoon.

"Soo-joon..."

"Hmmm... Yes, nae sarang?"

Napalunok ako. "Good night."

I'm Crazy In Love With A Runaway Badboy PrinceKde žijí příběhy. Začni objevovat