chapter 26

70 6 0
                                    

"Thanks, god! Gising kana." Malumanay na sabi ni Soo-joon habang may maliit na ngiti sa labi. Ngunit bigla rin itong nawala at napalitan ng pag-aalala ng ngumiwi ako. "May masakit ba sayo? Sabihin mo lang, tatawagin ko ang doctor."

Umiling ako kahit na ramdam na ramdam ko ang kirot mula sa aking sugat. Hindi ko na ito ipapaalam sa kanya dahil lalo lamang siyang mag-aalala. Pinilit kong umupo na nakangiti. Kahit kunting ngiwi sa labi ay tiniyak kong walang sumilay dito. Gusto kong sabihin sa kanya na ayos na ako para makapagpahinga na rin siya.

"You sure, Bellina? Wag kang magsinungaling."

Lihim akong bumuga ng hiniga. "I'm okay na nga, ang tigas ng ulo nito."

Nakita ko kung paano nawala ang pag-aalala ni Soo-joon. Bumuga siya ng mahinang buntonghininga at hinawakan ang aking kamay. Hinalikan niya ang likod ng aking palad, napangiti nalang ako. Ang sarap niyang pagmasdan habang ginagawa niya ito.

"I'm sorry," he murdered. "Kasalan ko 'to. Patawarin mo ako."

"No, Soo-joon! Hindi mo kasalanan." Umiling ako. "Ang may gawa nito sa akin ang maykasalanan."

"Nagsalita na ang may gawa nito. At inamin niya na ako dapat ang tatamaan niya kaso pumihit ka para iligtas ako," ani Soo-joon.

"Soo-joon, kahit sino naman na taong naroroon ililigtas ka. Kaya wag mo nang sisihin ang sarili mo." mahinahon kong sabi.

Totoo naman yun. Kahit sino sa mga taong naroroon kapag nalamang nasa panganib siya, tiyak na ililigtas siya. Kahit ibigay man ng mga ito ang kanilang buhay. Si Soo-joon ay isa sa pinakamahalagang tao sa bansa. Kaya tiyak ako doon.

"Pero hindi mo parin dapat ginawa yun." He pouted his lips. "Ako dapat ang nagpoprotekta sayo." He sounds angry.

"Okay, hindi na mauulit." I said, sounds I defeated in argue.

Dumating ang dalawang alipin, may dala itong pagkain. Unilapag nila ang kanilang mga dala sa mesang katabi ng unuupan ni Soo-joon. Mukhang sinet-up ito dito bago ako nagising. Umalis na rin agad ang mga alipin after.

Sinubuan ako ni Soo-joon. Hindi na ako pumalag dahil gusto ko rin naman. Napakasweet kaya. Hindi ko mapigilang hindi kiligin. Kung everyday merong papana sa akin, ayos lang... Basta ganito kaguwapo ang susubo sa akin kapag magpapagaling ako. Subrang worth it ng sugat ko.

"Nagkakasugat ka na't lahat-lahat, nagbablush ka pa." Biglang sabi ni Soo-joon.

"No, I'm not!" Tangi ko. "Namumutla nga ako, eh!"

"Oo nga, putlang-putla ka nga..." sagot niya na halatang sinang-ayonan lang ako.

I intently close my mouth. Tinitigan ko siya. Peke siyang ngumiti sa akin na mukhang may pinapahiwatig. Iniinis ba ako nito?

"Open your mouth, Bellina," he said.

"Ayaw!" Pagtigas-tigasan ko.

"Sige na, please... Kailangan mong kumain para mabilis kang makarecover." Pagmamakaawa ni Soo-joon.

Napaisip tuloy ako. Pagkatapos kong makapagrecover, ano na ang mangyayari sa akin. Matutuloy na ba ang pag-uwi ko sa Philippines? Yeah, sure ako na matutuloy ito.

Dahan-dahan kong ibinuka ang aking bibig. Sinubuan rin ulit ako ni Soo-joon. Nakatingin ako kung saan nang magsalita siyang muli.

"Why you're sad?" Soo-joon asked. "Is there something wrong?"

"Nothing, Soo-joon."

"Don't worry, hindi ako papayag na maghihiwalay tayo. Nakagawa na ako kami ng paraan para doon." Sabi niya.

I'm Crazy In Love With A Runaway Badboy PrinceWhere stories live. Discover now