chapter 3

119 9 0
                                    

With badboy gesture of Soo-joon, he looks more handsome with his black ducuti. Excited ako na medyo may maliit na kaba dahil ito ang kauna-unahang sasakay ako ng motor. Hindi ko mapigilan ang aking utak na maisip na baka anong mangyayari sa amin. Lapitin pa man ng aksendente ang sasakyan na two wheels.

Huminga ako nang malalim para ilabas sa utak ang lahat ng negatibong naiisip ko. Nagtitiwala ako kay Soo-joon, walang mangyayari sa amin.

"Ayaw mong sumakay?" malamig na tanong ni Soo-joon.

"Sasakay," I said, ashamed.

Ini-start ni Soo-joon ang kaniyang motor. Umangkas ako sa likuran niya at humawak sa balikat sabay ang pag-ingay ng mga estudyante na nasa paligid.

Papalayo na kami. Nang makarating sa gate ng paaralan bigla siyang nag-over take kaya nasubsob ako sa kaniyang likuran at napayakap sa baywang niya. Nabigla ako at napakurap-kurap habang napahawak nang madiin sa jacket na suot ni Soo-joon.

Tumikhim si Soo-joon. Dali-dali kong hinawi ang mga kamay ko sa kaniya at ibinalik sa kaniyang balikat saka medyo umusog palayo sa katawan niya. Nagdadalawang isip  pa akong humawak ng mahigpit sa balikat niya pero nang muling tumakbo ang motor ay wala akong napagpilian.

Subrang tulin ng pagpapatakbo ni Soo-joon. Halos ilipad na ako nang hangin na pumapalo sa akin pero heto parin ako subrang lawak ng ngiti. Naglaho lang ito nang huminto ang sinasakyan ko sa paradahan ng isang simpleng apartment . Anong gagawin namin dito?

"Baba!" padabog na sabi ni Soo-joon. "We're here."

May pagmamabilis akong bumaba. Nang naka-apak na ako sa lupa Iniliwaliw ko ang aking paningin sa paligid habang hinuhubad ang helmet sa aking ulo at ibibigay sa kanya. Isinakbit naman niya ito sa manobela. Wala na bang pera na ipa-renovate ang may-ari ng apartment na'to? Kawawa naman ang mga nakatira dito.

Kumunot ang noo ko nang mahagilap ng aking mga magagandang mata ang grupo ng kalalakihan na papalapit sa amin. They are look like a gangsters. Ang papangit ng mga mukha nila. Akala ko ba guwapo ang mga gangster, iyon ang palagi kong nababasa sa mga novel. Sa totoong buhay pala, ang papangit.

Nasa harapan na namin sila, nakatayo. "Soo-joon, kailan mo ako babayaran sa utang mo?" tanong ng leader. "Ilang buwan na 'yon ah!"

What? Nangugutang siya sa mga taong ito! Hindi siya natakot? Ang papangit ng mga mukhang ito, parang anytime pwedeng mangangain ng kapwa tao.

"Don't worry Raffa, dala ko na," sagot ni Soo-joon na nakatingin sa akin.

Naintindihan ko agad pinupunto ni Soo-joon. Napa-back step ako ng dalawang beses sa takot. I was so scared. Dahil sa obsession ko sa gwapo ito napapala ko. Ipangbabayad utang na ako! My god, Is this my last day as a virgin? H'wag naman.

"Please, don't!" I almost cry. "My parents can afford anything you want. Ibibigay nila sa inyo lahat h'wag nyo lang akong saktan."

Tumawa na parang demonyo ang mag-gugrupo, halata sa klase ng tawa nila na sayang-saya. Si Soo-joon naman ay nakatalikod sa akin, parang walang mukhang ihaharap dahil sa ginawa niya.

He sold my previous virginity! How dare him!

"Please don't stole the thing that I really treasure." Umiiyak na ako, nanginginig sa takot. "Please, don't rape me," I begged.

Kung ganito lang naman pala mawawala sa akin ang iniingat-ingatan kung puri, edi sana binigay ko nalang ito kay Harvey. Kahit ayaw niya, ibibigay ko pa rin.

Nasa utak  ko ng tumakbo pero nang humarap si Soo-joon sa akin hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan. Napakatulis ng mga titig niya sa akin. Nakakatakot. Alam ko na nakakatakot talaga siyang tumingin dahil parang palaging seryoso ang mga mata niya pero ngayon, iba ito. Kakaiba ang takot na nararamdaman ko.

I'm Crazy In Love With A Runaway Badboy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon