Chapter 4

112 10 0
                                    

Sumandok ako nang isang beses saka sinubo ito. Pinakiramdaman ko muna ang aking sarili kung anong maging resulta bago minuya at nilunok.  Nabitawan ko ang  kutsara na hawak nang biglang uminot ang buo kong katawan at subrang lakas nang kabog ng aking puso, sa lakas nito parang hinahabol ko ang aking paghinga.

Sinubukan ko na pakalmahin ang aking puso, at ibalik sa huwisyo ang paghinga ngunit nabigo lamang ako. Nanginig ang buo kong katawan at ramdam ko ang unti-unti kong pagkaputla. Marahas akong tumayo para sana umiwas na hindi makita ni Soo-joon ang aking kalagayan ngunit nabigo ulit ako. 

Napaupo akong muli sa upuan habang nanghihina. Nakita ko kung paano tumingin si Soo-joon sa akin, iniwas ko ang aking mga mata sa kanya habang ganoon parin ang aking kalagayan. Nag-aagaw buhay dahil sa sarili kong kabaliwan.

"What's wrong?!" Tanong ni Soo-joon, nagtataka. "Bat ka namumutla!?  Tell me, what's happening with you!?" Natataranta na siya.

Tumayo si Soo-joon, lumapit siya sa akin at sinuri ako. Actually, wala talaga akong intensyon na sabihin sa kanya ang tunay kong kalagayan. Away kong mapahiya. Mas gusto ko pang makipag-bakabakan kay kamatayan kaysa sabihin sa kanya na allergic ako sa favorite niyang ulam.

"I-I'm okay..." utal-utal kong sabi. "I'm just pretending."

"No! You're not! Tell me. Allergic kaba sa kinain mo?!" tanong niya. "Shit! I forgot!"

I didn't know what to do.  Sasabihin ko ba ang totoo? O ipapairal ko pa ang pride?

"Tell me, Bellina! Don't lie to me!" galit na siya. "Kasalan ko kapag anong mangyayari sayo!"

Natauhan ako sa huling mga kataga ni Soo-joon kaya napagdesisyonan ko ng sabihin ang totoo. Baka kung mamamatay ako dito tapos siya ang sisisihin nina mom and dad. Hindi ko iyon kaya at hinding-hindi talaga ako makakapunta sa langit.

"Y-yes! Allergy ako sa monggo..." Napakapit ako sa gilid Ng mesa. "P-please, paki-kuha ng pills  ko sa bag."

No words sprouted from Soo-joon's mouth. He was really worried. Kinuha niya agad ang pills sa loob ng bag na nasa upuan katabi ng inuupuan ko lamang.

Binuksan ni Soo-joon ang bottle kung saan nakalagay ang gamot. Kumuha siya ng isa saka nagmamadaling naglagay ng tubig sa baso mula sa petcher na nakalapag sa mesa. Pagkatapos inabot niya sa akin ang pills at ang baso na may lamang tubig. Ininom ko ito. Ang akala ko bubuti na ang pakiramdam ko dahil nakainom na ako ng gamot, hindi pala. Nanlabo ang paningin ko. Marami-rami rin ang nasubo ko kaya siguro ako nahihilo.

Tumayo ako nang biglang na out of balance ako buti nalang nasalo ako ni Soo-joon.

Nagising ako at umupo sa kama. Nanuot sa ilong ko ang pabango ni Soo-joon  kaya nahulaan ko na agad na nasa  kama niya ako. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito pero sigurado ako na si Soo-joon ang nagdeposeto sa akin dito. Kapag naiisip ko na binuhat niya ako parang hihimatayin ako sa kilig.

Namilog ang aking mga mata nang may narinig akong yapak palapit sa aking kinaruruonan. Nais ko sanang magkunwari na tulog parin dahil sa ginawa kong nakakahiya. Marahas akong humiga sa kama, nalukot ang mukha ko nang mauntog ang ulo ko sa headboard.

Sapu-sapo ko ang aking ulo at laglag ang paningin nang umupo si Soo-joon sa gilid ng kama. Hindi ako makatingin sa kanya. Umayos ako sa pag-upo, tinigil ang pagsapo sa ulo habang tinitiis ang hapdi nito.

"How's your feeling?" he asked. "Meron ka bang nais sabihin? Sabihin mo na."

Dahan-dahan akong tumingala sa kanya. Nalaglag ulit ang aking paningin nang makita ang masungit niyang ekspresyon. "I'm okay," simula ko. Lumunok muna ako bago pinagpatuloy ang pagsasalita. "Soo-joon, i-im sorry. Ang totoo allergic ako sa monggo," nahihiya kong pahayag.

I'm Crazy In Love With A Runaway Badboy PrinceWhere stories live. Discover now