Chapter 36

48 12 17
                                    

"ANAK! MAY media sa labas!" Sabay kaming nagising ni Seth nang pumasok ang mommy niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"ANAK! MAY media sa labas!" Sabay kaming nagising ni Seth nang pumasok ang mommy niya. Namula ang dalawang pisngi ko nang ma-realize na nakapatong ang isang paa ko sa binti niya. Mukha namang wala lang ito kay Seth dahil hinawakan pa nga niya!

My mouth was half open! Tapos si Tita Hena, parang wala lang sa kanya.

"May naghahanap sa 'yo. May dalang sasakyan at nakapang-office!"

Inalis ko na ang paa ko sa kanya para makatayo na rin siya. "Huwag kang lalabas," aniya nang may seryosong tingin. Bakit kaya? May ginawa na naman ba akong mali? Napanguso ako.

"Why?" nagtatampong tanong ko.

Nagsuot siya ng sando at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. He seemed stressed and irritated. Ano ba kasing problema!

Bago siya lumabas ay binalaan niyang muli ako na huwag lalabas with his deadly glare. Tumango lamang ako na parang robot. Siyempre, kailangan kong maging masunurin. Baka kasi mapalayas ako nang wala sa oras.

Ilang minuto na ako rito sa loob at parang may mga bubuwit na bumubulong sa ibaba.

At dahil pinanganak akong matigas ang ulo, lumabas ako, pero hanggang hagdanan lang nakasilip. Sinisigurado kong hindi ako makikita ni Seth.

Isang babae at dalawang lalaki ang nakangiting kumakausap kay Seth. Pamilyar ang logo ng damit nila na parang sikat na review center dito sa Pilipinas.

Ano'ng ginagawa nila rito?

"Congratulations again. Kung magbago man ang desisyon mo, you can still reach us. Our landline is available for you 24/7."

"Salamat po."

Ano kaya ang pinag-uusapan nila?

"Hmm, sige, pwede ka na ba naming ma-picture-an para sa page namin? We will give you credits."

Tumawa si Seth at napakamot sa ulo. "Mag-aayos lang po ako," natatawang sabi nito. Tumalikod na siya at nagtama ang tingin namin. Agad akong tumakbo papuntang kuwarto. Mayamaya ay bumukas na rin ang pintuan.

"Bakit ka lumabas!"

Sinigawan niya ako? Why?

"Sino ba kasi sila?"

Naghalughog siya sa box ng mga damit. Napili niya ang isang kulay puting barong.

"Topnotcher ako sa board exam," aniya na parang hindi masaya kasi pabulong niya itong sinabi.

"Wow! Talaga? Anong top mo?" Tinulungan ko siyang mag-ayos. Sinuklayan ko siya sa buhok at nilagyan ng gel. Ito ang nakikita kong madalas niyang gawin.

"Rank #2 with the average score of 91.35."

Napatili na ako nang sobrang lakas na may kasamang pagtalon. Pinanood niya ang paghagis ko ng unan at ngumisi. "Lalabas tayo mamaya after nito. They will give me money kapalit ng pictures ko."

Onalisa's Fate [soon to be published]Where stories live. Discover now