Chapter 17

52 17 21
                                    

Three months later

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Three months later . . .

PINARADA ko ang sasakyan ko sa parking lot at iniabot kay Ugi ang susi. Lumakad na ako. Chin up, straight body, chest out kahit wala namang maipagmamalaking cleavage. Well, at least, I'm confident and proud.

Nakahilera ang mga empleyado namin at sabay-sabay na yumuko at bumati pagpasok ko sa building. Bukod kina Ugi and Ronny ay marami pa akong escort. Pumasok kami sa elevator kung saan ay puno ng mirrors. Pinagmasdan ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa. I was wearing a deep light pink V-neck chiffon shirt and light pink tattoo chocker. My Chanel handbag and my four-inch heels were also light pink. My skirt and hair were golden.

"Good morning po, Ms. CEO. Ito na po ang schedule n'yo for the next week." Iniabot sa akin ng secretary ko ang isang papel na nakalagay sa clipboard.

"How about sa Monday?" I asked.

"Ah! 'Yong date mo po?" Lumawak ang ngiti niya. "Nakapagpa-reserve na po ako ng restaurant and nag-book sa 5-star hotel."

Lumaki ang mga mata ko. Tama ba ako ng narinig? Gosh! This is crazy! "Walang hotel! OMG! I didn't ask for that!" Halos maibato ko na ang hawak kong papel dahil sa kahihiyan.

"G-gano'n po ba? Pero gabi po ang date ninyo." Kinuha pa niya ang notes niya para makasigurado. "9 p.m. sa Baguio, tama po ba?" Halatang hindi siya sigurado sa binabasa niya.

"Yes, 9 p.m. dahil may board exam si Seth. Pero uuwi kami sa kanya-kanyang bahay kaya hindi namin kailangan ng hotel room!"

Napakamot siya ng ulo. "Ika-cancel ko na lang po ang booking ninyo sa hotel. Pasensiya na po, ma'am," aniya sabay yuko.

Ibinalik ko na ang atensiyon ko sa screen ng laptop ko, pero ang utak ko ay masyado na yatang naalog. Ganoon ba talaga iyon? Porke makikipag-date sa malayong lugar, kailangang mag-overnight? I have my bodyguard naman to drive for me kaya pwede akong matulog sa sasakyan.

"Ahm, ma'am, by the way." Hindi pa rin pala siya umaalis. Tinaasan ko siya ng kilay. I hate her lipstick, masyadong papansin ang kulay. Tapos ang igsi rin ng skirt at masyadong fitted ang blouse kaya bakat ang cleavage.

Siya ang pinili kong secretary because I like her fashion, pero unang araw pa lang ay nagsisi na ako dahil . . .

"Ako pa rin po ba ang secretary kapag si Sir Sandro na ang pumalit sa inyo?"

Ito pala ang dahilan kung bakit ayaw pa niyang umalis sa harapan ko.

"I prefer a male secretary for him." Ibinalik ko na ang tingin ko sa monitor, kunwari busy.

"Huh? Bakit po, ma'am? pwede po bang malaman kung bakit ayaw mo sa 'kin?"

Wow! Wala naman akong sinabi na ayaw ko sa kanya pero malakas yatang makiramdam ang isang ito. Well, she's clever. "I'm sorry, darling. Once my contract ended, you will be transferred as a secretary to our sister company kaya don't worry." I didn't answer her question. Instead, I gave her a guarantee of a new job. "Ayaw mo ba n'on?" Madali lang naman akong kausap.

Onalisa's Fate [soon to be published]Where stories live. Discover now