Chapter 8

60 21 68
                                    

Kakatok pa lang ako sa pintuan nang bigla itong bumukas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kakatok pa lang ako sa pintuan nang bigla itong bumukas. Napahawak ako banda sa puso ko at umatras nang ilang hakbang. Ewan ko ba, napakamagugulatin ko kahit kailan.

"Ona, 9 a.m. pa lang," aniya, masungit ang boses.

Tumango ako. Tama, super aga pa. "I'm hungry na. Hindi kasi nakapagluto si Vanilyn ng breakfast."

Bumaba ang tingin niya sa suot ko. He seemed satisfied sa simpleng suot ko—maluwag na T-shirt at pajamas. For the past few weeks ay naging uniform ko na ito. Pinalaki niya ang espasyo ng pinto para makapasok ako.

It was my first time na pumunta nang ganito kaaga sa condo niya. Madalas kasi ay tanghali ako nanggugulo.

Pinagmasdan ko ang malinis niyang room. Naka-arrange ang lahat ng unan na ginulo ko kahapon. Pati ang mga plastic ng chichirya na pinagtatapon ko sa sahig, malinis na, kaya parang ang sarap ulit binyagan. Umupo ako sa sofa at kinuha ang remote control.

"Anong breakfast ang gusto mo?" aniya. Bukod sa mahusay siyang maglinis ng kinalatan ko, kaya rin niyang magluto ng kahit anong i-request ko.

"Light breakfast will do."

"How about for lunch?"

"Hmm, spicy shrimp."

Naghanda siya ng bread and juice for my breakfast habang ako naman ay abala sa pagsi-scroll down ng panonoorin ko sa Netflix.

Ang hirap namang maghanap. Feeling ko kasi, lahat napanood ko na.

Pagkakagat ko sa bread, tumapon naman agad sa T-shirt ko ang palaman. "Damn!" Naiiritang tumayo ako at pumunta sa lababo para hugasan.

"Kumusta na si Vanilyn?" tanong ni Seth sa gilid ko. Nagluluto siya sa kitchen counter na katabi lang ng lababo.

"Nagsimula nang gumawa ng dance cover."

"Kung ganoon, maayos na talaga ang paa. Sinubukan ba niyang lumabas?" Pang-alien talaga ang mga tanungan ni Seth kasi hindi ko ine-expect.

"Yeah, nabo-bore na raw siya kaya gustong lumabas."

Pinitik na naman niya ako sa noo kaya napanguso ako. Para saan ba iyon? Bakit feeling ko, binu-bully niya ako sa pamimitik niya? Never in my whole life na may sumubok gumawa sa akin nito. Lahat kasi sila, natatakot sa akin.

Si Seth lang talaga ang may guts gawin ang mga ito.

"Iniiwan mo kasi kaya na-bore," natatawang aniya habang nakatingin sa niluluto. Naglagay siya ng chopped parsley sa kaserola at hinalo iyon. Halatang malapit na siyang matapos. Nakakatukso, ang bango-bango ng luto niya. Halatang marami siyang butter at spices na inilagay.

Bumalik na ako sa sofa para tingnan ang pinanonood kong palabas sa Netflix.

Mayamaya lang ay tumabi siya sa gilid ko. "Hindi naman siguro siya allergic sa shrimp, ano?"

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon