Chapter 35

54 9 12
                                    

LUMIPAS NA ang isang linggo, ang araw na pinakahihintay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LUMIPAS NA ang isang linggo, ang araw na pinakahihintay ko. Nasa school ngayon si Seth at nagtuturo sa mga high school students. Mamayang alas-singko pa ang uwi niya. Kaarawan ko rin ngayon kaya excited na ako sa bahay na regalo niya! Grabe! Ilang araw akong nagtiis dito. Mabuti nga, kinaya ko!

Bumaba na ako sa masikip na hagdanan at nagtungo sa sala.

Wait, I don't know if this is a sala or kusina kasi magkasama ang lutuan nila tapos may TV sa kabilang dulo.

"Ano po 'yan?" tanong ko kay Tita Hena roon sa pagkaing inihanda niya. In fairness, mukhang masarap ang luto. Oo nga pala, lahat naman ng luto rito, masarap!

"Adobong balun-balunan," proud na sabi nito.

"Pero marami pong oil?"

Tumawa siya at pumalo ang isang kamay niya sa hangin. She smiled wonderfully. "Mukha lang marami pero kaunti lang 'yan." Naglagay siya ng plato at baso sa lamesa, hudyat na kakain na kami. Bumaba na rin si Tito Anton na may hawak na dyaryo at umupo siya sa tabi ko. Halos atakihin ako sa puso nang makita ko ang larawan ko sa headlines!

Totoo ba ito? Pero patay na si Onalisa Gwen. Paanong nagawa nilang—shit!

"Hena, buksan mo nga ang TV. Siguradong nasa news ang kasalan nina Onalisa at Sandro."

"Ano? Kasal na sila?" Tumakbo si Tita Hena at kinuha ang dyaryo para tingnan. "Bakit wala man lang prenup video?"

Inilapit ni Tito Anton ang mukha sa akin kasabay ng pagkunot ng noo niya. Kumalabog ang puso ko dahil sa kaba. "'Yong salamin ko rin pakikuha."

"Opo, Dong!" Tumakbo si Tita Hena para buksan ang TV at kinuha rin niya ang eyeglasses at iniabot sa asawa.

Umiwas pa ako ng tingin at tatayo na sana ako nang biglang—

"Kamukha mo si Onalisa," aniya na ngayon ay nakasuot na ng salamin.

"Dong! Natural na lang yata na magkaroon ng maraming kamukha. Tingnan mo si Sandro Cecilio, kamukha si Raimund.."

Tumaas ang balahibo ko nang banggitin nila ang pangalan ni Sandro.

"Di bale, hindi naman puwedeng siya si Onalisa kung nasa Manila 'yon at kasama ang bagong asawa. Oo nga pala, Hena, kailan ba natin dadalawin sa puntod ang pamilyang Marcos? Nami-miss ko na ang pamangkin ko."

Binilisan ko na lamang kumain para makaakyat na rin kaagad sa takot na maging hot topic na naman nila ako. Pag-usapan na lang nila ang pamangkin nila, huwag lang ako!

Mayamaya pa ay may batang pumasok sa loob kaya saglit na nagkaroon ng commercial sa pag-uusap nila.

"May naghahanap po kay Ate Rose. Binata at may dalang sasakyan. Halata pong nagmula sa mayamang pamilya!" sabi ng pinsan ni Seth.

Talaga? Kailangan ba talagang i-describe na mayaman? Hays.

Nagkatinginan sina Tito Anton at Tita Hena. Lalo akong kinabahan. Fuck, sino ang naghahanap sa akin? Huwag sanang si Sandro. Oh, please.

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon