Chapter 16

60 18 50
                                    

"MAXIMO Gwen, we're issuing a warrant of arrest to take you in custody

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"MAXIMO Gwen, we're issuing a warrant of arrest to take you in custody. You're under arrest for committing industrial espionage for spying C.A. Company."

Literal na umawang ang bibig ko. Ano ba'ng pinagsasasabi ng mga police na 'to? Nasa shooting ba kami? Isang prank? Or pakulo lang para mag-trending? I don't get it!

"You have the right to remain silent and refuse to answer questions. Anything you say may be used against you in a court of law. You have the right to consult an attorney before speaking to the police and to have an attorney present during questioning now or in the future. If you can't afford to hire a lawyer, one will be appointed to represent you before any questioning, if you wish. You can decide at any time to exercise these rights and not answer any questions or make any statements. Do you understand each of these rights I have explained to you? Having these rights in mind, do you wish to talk to us now?" sabi ng pulis habang nire-recite ang Miranda Rights bago niya pinosasan si Maximo na hindi naman nanlaban o umangal man lang.

Sa wakas ay nagtagpo rin kami ng tingin. May namumuong luha sa mga mata niya at malikot ang nanginginig na kamay. Gusto ko siyang lapitan para yakapin ngunit pinigilan ako ni Sandro at hinawakan ang kamay ko. "Huwag kang sumali sa gulo." Puno ng awtoridad ang boses niya.

Kumunot ang noo ko. Bakit niya ako pinipigilan?

Oo nga pala, wala naman siyang kapatid kaya hindi niya alam kung gaano kahirap ang ganitong sitwasyon. "Kapatid ko siya. I should be there." Galit kong kinalas ang kamay ko sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi pakawalan ako. Bago pa ako makalapit sa kinatatayuan ni Maximo ay siya namang pagsisisigaw ni Tita Susane sa mga police. Lahat ng camera ay nakatutok na sa kanila.

"Anong espionage ang sinasabi ninyo? Inosente ang anak ko! Hindi niya magagawa ang ganitong kahihiyan!"

"Pasensiya na, ma'am. Sa presinto na lang po tayo mag-usap—"

"Nagkamali kayo ng taong dinampot! Baka naman si Onalisa ang hinahanap ninyo!" Sabay turo sa gawi ko. All eyes were on me now.

Mas umingay tuloy at may iilang reporter na tumakbo palapit sa akin. Naramdaman kong may yumakap sa likuran ko.

"Sabi kong huwag kang aalis, 'di ba." Si Sandro.

Pinagitnaan kami ng sampung armadong lalaki na h-in-ire niya para protektahan kami ngayon araw.

Noong umpisa ay nainis pa ako kung bakit siya kumuha ng maraming tauhan, pero ngayon, na-realize kong tama pala ang desisyon niya. Isa talaga siyang good predictor. We really needed a lot of bodyguards in this situation.

"Si Onalisa lang ang magnanakaw sa pamilya namin! Siya lang ang pwedeng maging espiya!" sigaw muli ni Tita Susane. Yakap-yakap na niya ang anak at ayaw ipahawak sa mga police.

"Ma'am, sa presinto na lang po tayo mag-usap."

"Sigurado ba kayong si Maximo Gwen ang hanap ninyo? Hindi si Onalisa Gwen? Basahin ninyong maigi ang warrant of arrest!"

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon