Chapter 32

47 11 11
                                    

NAKATINGIN ako sa salamin habang suot ang lace choker na may pearl sa gitna

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NAKATINGIN ako sa salamin habang suot ang lace choker na may pearl sa gitna. Mahaba at bodycon ang embroidered white gown ko. Hindi pa ako naka-makeup nito pero para na akong perfect bride sa ayos ko.

I was smiling again like a crazy person.

"OMG! Waaah!" sigaw ni Vanilyn habang tumatalon-talon. "Ang ganda, BFF! Sino ba'ng designer mo? Magpapa-advance na ako ng gawa para sa wedding ko!"

"Wala ka pang boyfriend, iniisip mo na kaagad ang wedding gown?" I rolled my eyes.

"Siyempre, kapag pinaghandaan nang matagal, laging best ang result."

"So, hindi best sa amin ni Sandro dahil ni-rush lang?"

"Siyempre, may exception kayo! Hahaha! Ikaw kaya ang richest girl ng taon na ito at siya naman ang richest boy. Kaya kapag nagtagpo kayo, merong richest wedding!" Sabay lahad niya ng dalawang kamay sa itaas.

Halos mapahawak na ako sa aking tiyan dahil sa pagtawa. May namumuong luha na rin sa gilid ng mata ko. Tears of joy yata.

"N-nakakatawa ba?" tanong niya.

"Oo! Hahaha sabayan mo ako." Tangina, paanong hindi ako matatawa e wala namang kasal na magaganap!

"Sige, sasabayan kita, BFF!" Tumawa na rin si Vanilyn dahil sa utos ko. Humawak din siya sa tiyan niya at akmang lalapit sa akin ngunit nabunggo niya ang vase sa gilid at nabasag.

"OMG! This is a g-gold vase?" aniya habang mulat na mulat ang mata.

"This is Ancient Greek pottery of the 19th Century and it's the only one in the world?" nagngingitngit na singhal ko.

"S-sorry na."

Mayamaya pa, bumukas ang pintuan at bumungad si Sandro. Nakasuot siya ng wine red tuxedo and black latin scarf. Nasa kabilang room lang siya nagbihis kaya nakapasok kaagad rito. Wait—bakit hindi ini-lock ni Vanilyn ang door? This is a dressing room!

"What's that noise? Wifey?" Alalang-aalala ang mata niyang dumapo sa akin hanggang sa mapalitan ito ng pagkamangha. Gumalaw ang Adam's apple niya.

"You saw her, Sandro! H-hindi matutuloy ang kasal ninyo!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Vanilyn. Hindi ko matiyak kung saan siya nagsimulang umiyak. Kung sa pagkahulog ba ng mamahaling vase o sa pagpasok ni Sandro. "Lumabas ka! Tsupi! Tsupi!" Ang mga kamay niya ay parang nagtataboy ng langaw.

Ngunit hindi pinakinggan ni Sandro ang pamahiin na pinaniniwalaan ni Vanilyn. Tuluyan siyang pumasok sa loob at iginala ang tingin sa paligid kung saan natunton niya ang nabasag na vase. Bumalik muli ang tingin niya sa akin para matiyak na malayo ako sa nabasag na vase at hindi nabubog.

"Umalis ka na, Sandro!"

He looked at me from head to toe. Isang metro lang ang pagitan namin, ngunit napapaso na ako sa mga tingin niya. "You look heavenly, wifey."

Onalisa's Fate [soon to be published]Where stories live. Discover now