Chapter 31

52 12 6
                                    

DALAWANG linggo ang lumipas simula nang umalis si Sandro sa mansion nang walang paalam o text man lang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DALAWANG linggo ang lumipas simula nang umalis si Sandro sa mansion nang walang paalam o text man lang. Ayon sa sources na nakuha ni Liam ay may biglaang mission na pinagawa sa kanya si Lolo Alfonso na kung saan ay kailangan niyang ma-convince na mag-invest sa company namin ang isang multi-millionaire director na isa ring foreigner. Matagal nang inaasam ni Lolo Alfonso ang taong iyon ngunit pahirapang makalapit dahil sa Asian racism. Every year, nagpapadala siya ng letter for appointment ngunit denied lahat. And last year lang nagpapunta ang company namin ng representative ngunit hindi binigyang pansin. Kaya naman ngayong taon ay si Sandro ang pinapunta niya. At mahigpit raw na binilin ni Lolo Alfonso sa kanya na hindi uuwi ng Pilipinas hangga't hindi napapapayag ang director na mag-invest sa amin. Kaya gabi-gabi akong nagdarasal sa Diyos (kahit hindi ako madasalin) na makabalik na kaagad dito si Sandro sa Pilipinas para magawa na ang plano. Siya na lang kasi ang hinihintay namin.

Nakahilera ang mga katulong, mula sa hagdanan hanggang sa may main door. Ako naman, nakatayo rito sa gitna. Ipinag-utos ko rin sa chef namin na lutuin ang lahat ng best vegetables and salads na alam nila. And ipinagbawal ko rin na magluto sila ng any meat like chicken and pork, kaya naman maraming na dismaya. Pero I don't care. Today is his special day kaya lahat dapat kami ay makikisama sa choice of food niya.

Unang pumasok sa main door ay si Eloisa. She was wearing a Chanel dress, Gucci bag, Louis Vuitton sandals, and Harry Winston jewelries. Alam kong kasama siya dahil sa sources na meron si Liam kaya hindi na ako nagulat.

Nakapasok na ang lahat ng bodyguard namin pero wala pa rin si Sandro. Dumaan kaya siya sa kabilang pinto? O baka umuwi sa kanila? Nagsimula na akong umalis sa puwesto ko. Lumabas ako ng pinto at naabutan lamang ang dalawang lalaki na nagbubuhat ng mga maleta.

"Nasa'n siya?"

Nagkatinginan lamang ang dalawa. "Hindi po namin alam, pasensya na." Halatang tensionado ang mga kilos nila. I don't get it. Bakit ba sila natatakot sa akin? Hindi naman ako nangangain, 'no!

Bumalik na lang ako sa loob at doon nakita ko si Selo. Parang kanina pa siya may hinahanap. Siguro nga ako.

"Good morning, ma'am, may pinapaabot po sa 'yo si Sir Sandro." Inilagay niya sa palad ko ang isang papel at umalis na.

Kulay pula ang cover ng envelope, may disenyong glitters at bulaklak. Lumitaw ang ngiti sa aking labi. Bakit ba kasi may ganito? Seriously? Haha! Parang bata lang! Pwede naman niya kasing sabihin nang personal. Tsk. Binuksan ko na ang envelope at isang sentence lamang ang bumungad. Time and location.

***

NA-LATE AKO nang isang oras sa meet-up place namin dahil sa mahimbing kong tulog. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos. I wore my jogging pants with baggy T-shirt. At ang buhok ko ay nakalugay, as what Xianne said. Masunurin na ako ngayon, damn.

"Good evening, ma'am," bati sa akin ni Selo. "Ihatid ka na po namin sa boulevard?" Nakasuot siya na puting polo. Hindi siya nakauniporme katulad ng ibang gwardiya.

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon