Chapter 1

182 30 72
                                    

Two years later

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Two years later . . .

Pinanonood ko sa malayo ang isang lalaking pinalilibutan ng mga celebrity and anak ng tycoons, he is the only guy there take note! Binibigay nila ang kanilang social media accounts para ipagmalaki ang latest achievements nila. Ewan ko pa rin bakit maraming interesado sa kanya kahit taken na. Is it because he is filthy rich now? Marami pa rin namang mas mayaman dito kung sa tutuusin. Siguro na-impress lang sila dahil he did it alone without his family connection.

"Onalisa!" sigaw ni Vanilyn, ang best friend ko. Lumalim ang ngiti ko nang mapansing suot niya ang rejected gown na ginawa ko noon. It was a blue ballgown na may nakapaikot na Christmas lights. Mahilig akong mag-design ng clothes and yung mga dissatisfied ko siya nagsusuot. Ganyan niya vina-value ang efforts ko.

"BFF, why are you alone here! Nasa'n 'yung boyfriend mo?" she asked.

Ngumuso ako patungo sa lalaking pinanonood ko kanina lang. "Busy sa pag-promote ng new business." I sighed. 

"Every month siya may new business venture, a! At walang bankrupt. Hindi ba ganyan din si Tito Christopher nung kabataan?" 

She is right but...

"Yes, both of them are expert in business but not in love life hahaha." Ramdam kong may kirot sa puso ko habang tumatawa.

Naglaho rin ang masaya niyang aura. "I thought you are really in love with each other what just happened, BFF?"

Hindi ko rin alam ang isasagot ko. Maging ako rin naguguluhan na. "It's starting to fade. Gano'n siguro talaga ang relasyon... sa umpisa laging masaya." I finally revealed it after 2 years in relationship with him! Hindi rin ako makapaniwala na masasabi ko 'yon.

"There's nothing wrong about him. Sadyang hindi lang kayo match made in heaven kaya walang strong bond na namamagitan," aniya na halatang nasobrahan sa K-Drama.

"Gano'n ba iyon?"

"Hindi kasi siya si Farmer Boy kaya hindi mo pa talaga mararanasan ang greatest love mo. At kung sakaling matagpuan mo na yung ka-red string mo, ako pa rin ang best sa lahat ng kaibigan mo. Hindi kita ikakahiya katulad ng ginagawa sa'yo ng pamilya mo."

I'm speechless. Isang beses ko lang naman nakuwento sa kanya yung about sa ka-red string ko. It was two years ago, and I was drunk that time. Paanong naalala pa niya? Gosh.

She patted my shoulder and grinned. "Oo nga pala, lahat ng staff namin ay lumuwas ng province nila. Baka isa rito si The One mo."

"Oh, really?"

"Happy 20th birthday, Vanilyn." Nanuyo ang lalamunan ko nang marinig ang boses ni Sandro. What if narinig niya yung sinabi ko kanina na nagfa-fade yung love ko? Gosh! Yumuko ako at hindi makatingin sa kanya ng diretsyo. Bakit ko ba kasi sinabi iyon? Am I really drunk? 

"Thanks, Sandro! Ang daming nakakakilala sa 'yo rito, a!"

"Just a little bit."

"Pa-humble pa! Parang ngang ikaw yung may birthday."

Onalisa's Fate [soon to be published]Where stories live. Discover now