Chapter 30

57 14 17
                                    

MAARAW NA nang magising ako sa tabi ni Seth

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAARAW NA nang magising ako sa tabi ni Seth. Kumakalam na rin ang sikmura ko. Ngayon na namin gagawin ang unang plano. Kinabahan ako dahil baka tama siya at hindi na kami muling magkita matapos nito. Sobrang risky, gosh! Tinitigan ko lang ang makinis niyang mukha hanggang sa magising siya.

"I will miss you," unang salita niya pagkagising. "Kapag pumalpak ang plano, papatayin ko si Liam," walang halong joke niyang sabi.

Saglit akong natulala. Ngayon ko lang siya narinig magsalita nang ganito. Malayo sa itsura niya. Posible kayang magawa niyang pumatay?

Kung patay na ang ka-red string ko, ibig sabihin, pwedeng humanap si Tadhana ng iba? What if si Seth iyon? What if siya ang magpabagsak ng company namin at papatay kay Lolo Alfonso? Natawa lamang ako sa isip ko. Masyado kasing imposible. Isa lang kasi ang pwedeng maging ka-red string ng tao at hinding-hindi ito mapapalitan ng kahit sino.

Nag-almusal muna kami ni Seth ng tinapay habang nagkukuwentuhan ng random story. We laughed, we teased, and cried. Ewan ko ba, kung ano-ano na lang ang napag-usapan namin para lang maubos ang oras.

"Siguradong maganda ang kapatid mo. Ilang beses nang nanalo sa beauty pagent, e."

"Sa sobrang ganda ay nag-asawa kaagad."

"Huh! Pero sabi mo, magkasing-edad lang kami? Eighteen years old, right?"

"Yes. Ganoon talaga. Nabuntis kasi."

Tumawa ako kaya binigyan ako niya ako ng questionable look. "Ang pagkakaroon ng anak is really a lame excuse, to be honest! Kailangan, kapag mag-aasawa, handa ka, financially, emotionally, and mentally. And kailangan, mahal talaga nila ang isa't isa. 'Yung tipong papakasalan mo siya kahit wala naman kayong anak o kahit hindi kayo magkaroon. Because marriage is purely love."

Pinitik ni Seth ang noo ko kaya napanguso ako. Hindi ko alam kung galit ba siya o trip lang ako. "Ang dami mong sinasabi, anong oras na."

"Oh!" Agad akong tumayo at tumingin sa wristwatch ko.

Saktong alas-nuwebe y media. Nakatanggap na rin ako ng mensahe kay Liam. Nag-good morning lang.

"You ready?" aniya.

Tumango lamang ako. Hinawakan niya nang maigi ang kamay ko at muli kaming nagkatitigan. "I love you, Onalisa," out of the blue niyang sabi. Pinalo ko lamang siya sa dibdib at tumawa.

Magkahawak-kamay kaming bumaba ng tree house. Napapikit ako dahil nakatapat sa amin ang sinag ng araw. Hindi ko alam kung makakapag-concentrate pa ako dahil sa sobrang init. Wrong timing naman kasi. Kailan ba kasi magkakaroon ng air con sa labas?

"Ona, start na."

"Yeah, yeah!" Nanginginig kong d-in-ial ang number ni Sandro. Wala pang tatlong segundo ay sinagot na ito.

"Wifey, good morning."

Napapikit ako. Damn. Ito na naman. Masyadong maganda ang himig ng boses niya.

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon