Chapter 18

45 17 9
                                    

PA-MARTSA akong lumabas ng office para sana mag-coffee

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PA-MARTSA akong lumabas ng office para sana mag-coffee. Pagkabukas ng elevator ay siya namang pagbungad ni Liam sa harapan ko. Parehas kaming nagulat. Ano naman kaya ang sadya niya sa floor na ito? This is the CEO's floor! Mabuti sana kung tagalinis ko siya ay maiintindihan ko pa. Tinalikuran ko siya, babalik na lang ako sa office ko.

"Ona, saglit!"

Tumigil ako sa paglakad. So, ako nga ang sadya niya.

"Please," aniya.

I sighed. Fine. Kung sa bagay, this is the perfect time to talk to him. Pumaroon kami sa canteen at umupo sa pandalawahang upuan. This is the same spot na inupuan namin noong first day ko. Nag-flashback sa akin ang kaunting pag-uusap namin ni Seth dito. Iyon ang panahon na akala ko, empleyado namin siya. Napaka-comfortable niyang kausap at umuwi ako nang maaga para mahaba ang oras kong makausap siya sa phone.

"Onalisa, I'm sorry."

Muntikan ko nang makalimutan ang presensiya ni Liam dahil sa layo ng nilakbay ng utak ko. "Akala ko ba, nag-resign ka na? Why are you still here?"

"Hindi mo alam?" There was amusement in his voice.

Of course, I know! Ayoko lang malaman niyang updated ako sa career niya. As much as possible, gusto kong makita niyang siya ang huling empleyado na ililigtas ko kapag pinasok kami ng mga terorista rito. Ibebenta ko kaagad siya kung kinakailangan. "Hindi ko alam dahil wala akong pake," pagtataray ko.

Yumuko siya at lumunok. "Hindi ako pwedeng umalis hangga't hindi ko pa tapos ang mga unfinished work ko. Tinuturuan ko rin 'yong papalit sa 'kin. Last week ko na rito kaya gusto talaga kitang makausap. Pakiusap."

Tumango ako. "Fine, sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin dahil ito na ang huli nating pag-uusap."

Inangat niya ang ulo para makatingin siya sa akin nang deretso. Nangungusap ang malulungkot niyang mga mata. Halata ring pagod siya. "Wala akong ibang hinangad kundi ang tulungan ka. Sa tingin mo ba, gagawa ako ng bagay na ikapapahamak mo?"

"Trinaydor mo na ako."

"Pumayag akong bilhin ni Madame Susane ang copyright simula nang matuklasan ko ang pagkabaliw mo kay Seth."

Umawang ang bibig ko at umapaw ang galit. "What? Are you crazy? Ano ba'ng ginawa sa 'yo ng tao? Ganyan ka na ba ka-obsessed sa akin para kainggitan si Seth—"

"Yes, and I'm really sorry."

Napasapo ako ng mukha ko at umiling. Pansin ko lang, simula kanina, ang bilis uminit ng ulo ko. Siguro nga, magkakaroon na ako kaya feeling ko, bitbit ko ang mundo. Wrong timing ang pag-uusap namin dahil wala ako sa mood. "Liam, I don't want to see you anymore."

"Akala mo ba, hindi ko naisip ito?" Kanina pa paos ang kanyang boses. Halatang nagpipigil na siya ng luha. "Bago ko nilapitan si Madame Susane, alam kong masisira ang pagkakaibigan natin sa gagawin ko. Pero handa akong magsakripisyo para maprotektahan ka lang."

Onalisa's Fate [soon to be published]Where stories live. Discover now