Chapter 25

47 14 10
                                    


PAGKAMULAT ko ng mga mata ay bumungad sa akin ang kuwartong ngayon ko lang nakita. Wala gaanong gamit maliban sa bedside table, cabinet, sofa, and fireplace sa harapan ko. Kulay gray ang kurtina na nakasabit sa bintana na mas mataas pa sa akin. Nasa mansion pa rin ba ako? Ang pagkakaalam ko ay hinimatay ako sa pagtakbo dahil siguro sa sobrang pagod. Tumingin ako sa aking pang-ibaba, nakasuot ako ng ternong pantulog. Sinilip ko rin ang suot kong bra at panty. Mabuti na lang ay hindi ito pinalitan katulad sa mga napapanood ko.

Tumayo na ako at nakaramdam ng pagkalam ng sikmura. Kaya siguro ako nagising, dahil sa gutom?

Pagkapihit ko ng seradura ay tumambad ang apat na lalaking nakasuot ng yellow suit. Taas-noo sila at matuwid ang tayo. Agad silang yumuko at sabay-sabay akong binati. "Good morning, Ms. Onalisa Gwen."

Napalunok ako at umiwas kaagad ng tingin. Parang si Seth lang—mga good looking at binata pa, I couldn't deny it! Bakit ba kasi ganyan kumuha ng bodyguard si Lolo Alfonso? Pati rin pala si Maria, yung head housemaid, ay Inglisera, bigla kong naalala.

Humakbang ako nang isa palabas. Tiningnan ko silang apat, at wala namang reaction na parang robot. So, pwede akong lumabas? Pwede akong umuwi sa amin? Pwede na akong tumakas! Lumawak ang ngiti ko.

"Mag-iikot lang ako. I gotta go," paalam ko.

"Yes, ma'am, we're just here to escort you anywhere inside this mansion," sagot ng isang lalaki na pinaka-charming sa kanila.

Anywhere inside? So, kapag nakalabas ako ng mansion, hindi na nila ako responsibilidad?

"Ha-ha-ha, okay!" Tumakbo na ako kaya tumakbo rin sila. Mahahaba at mabibilis ang hakbang ko at feeling ko, ginagaya nila ako. Marami ring katulong na napapatingin sa gawi namin, tila ba ay nanonood sila ng racing.

Napahawak ako banda sa puso ko at malalalim na hininga ang aking inilabas. Sa lahat ng tumakbo, ako lang ang napagod. Ganito ba talaga kahina ang mga babae? I hate this! Masama kong tiningnan ang apat na naka-yellow suit. Isang metro ang layo nila at iniiwasan nilang tumama ang mga mata ko sa kanila. Kunwari pa silang walang pakialam, pero kung makasunod ay wagas.

Lakad lang ako nang lakad hanggang sa matanaw ko ang malaking pinto sa may ground floor. Isang right and left stairs ang nasa gilid ko ngayon. Split staircase ito at magtatagpo kapag nasa ibaba ka na. Kulay maroon ang carpet sa may hagdanan. At ang buong interior ay may gintong kasama at makintab na puti. Nagniningning ang paligid dahil sa malaking chandelier sa tuktok at ang ilang sahig naman sa sentro ay mayroong ilaw.

Bumaba ako sa pabilog na hagdanan. Dumoble ang hakbang ko hanggang sa mangantog ang tuhod ko. Muntikan na akong mahulog. Mabuti na lang ay may humila sa akin at inilagay ako sa gilid niya.

"Nawalan ka na nga ng malay kagabi tapos hindi ka pa marunong bumaba ng hagdan! Gusto mo bang mag-full time ako sa 'yo sa pag-babysit?" Puno ng takot ang mga mata ni Sandro. Nakikita ko sa kanya si Daddy kung mag-alala. Parehas silang OA.

Inalis ko ang kamay niya sa akin at tiningnan siya nang masama. Hindi ko pa rin makakalimutan ang pag-iwan niya sa akin sa hotel. Kinuwento ko ito kay Vanilyn at sinabing malakas ang kutob niya na sumama sa ibang babae si Sandro dahil hindi nakuha ang gusto.

"Alam mo, mas gusto ko pang mahulog sa hagdanan kaysa ipakasal sa 'yo." Nanindig ang mga balahibo ko. Parang masyadong rude.

"Dahil ba si Seth ang gusto mo?" makahulugan niyang tanong.

Alam naman pala niya, e bakit pa siya pumayag sa kasal na ito?

"I'm sorry, Ona. But you have to marry me no matter what happens."

Onalisa's Fate [soon to be published]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن