Chapter 10

61 21 37
                                    

"Ate, it's me

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

"Ate, it's me. I know you're not sleeping. Your light is still on!"

Tumayo ako sa gulat. Ano ba'ng gagawin ni Maximo rito nang 2 a.m.? I mean, this is rare. Tumayo na ako at pinagbuksan siya ng pinto.

Bagsak ang balikat niyang sumalubong sa akin. Magulo ang buhok at nakasuot pa rin ng suit pang-office. Kanina pa dapat siyang 5 p.m. nakauwi. Bakit hindi pa rin siya nakapambahay?

I knew there was something wrong. Mabigat ang mga mata niya. Kahit hindi siya magsalita, I could still feel it.

"Max, what's the problem? You should be sleeping right now."

"Ate, mayroong copyright issues ang presentation ko." Hawak niya ang kanyang laptop at ipinakita ang screen nito. Nakasulat nga roon na may copyright claims at naka-block pa ang access niya kaya hindi magamit.

"What? Paano ba kasi nangyari 'yan?" Hinawakan ko siya sa kamay saka hinila papasok sa kuwarto ko at pinaupo sa sofa. Hinayaan ko siyang ipatong ang laptop sa lamesa. Ako naman ay kumuha ng juice and cookies sa mini kitchen na ilang hakbang lang sa dressing room ko.

Inilagay ko ang pagkain sa harapan namin bago umupo sa tabi niya.

"Ate, I'm not a kid anymore. Stop giving me cookies and juice."

Napakurap-kurap ko. Ano ba'ng pinagsasasabi niya? "Actually, Max, para sa 'kin 'yan. Nagugutom kasi ako." Naalala ko, hindi pala ako umalis ng kama matapos naming mag-usap ni Sir Erik sa Zoom. Abala kasi ako sa files na ibinigay nito.

"So what happened to your presentation? Bakit magkakaroon ng copyright claims kung ikaw naman ang original owner?" Pasimple akong dumukot ng cookies. Hoping na mabusog ako sa kapiranggot na ito.

"Hindi ko alam, Ate. Nasakto pa talaga kung kailan ang presentation natin. Sinadya 'to! Sinadya—" Napasuklay siya sa kanyang buhok gamit ang isang kamay.

"Pina-check mo na ba 'to sa IT?" Uminom naman ako ng juice. Binibilisan ko ang pagkain ko dahil ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganitong gutom.

"Hindi pa. Nag-overtime ako sa office para mag-review. Tapos bago ako matulog, pag-check ko, may copyright issues na."

"Tatawag ako ng IT ngayon. Ipapaayos natin 'yan." Halos mabilaukan ako sa pag-inom dahil sa kamamadali.

"Ate, ilang oras na lang, it's too late." He easily gave up.

"And so what? Kahit hindi mo mabuksan 'yan, meron ka namang hard copy!"

"Yes, Ate, I know. Kahit walang hard copy, kabisado ko pa rin dahil ako ang gumawa. Pero hindi ko pwedeng gamitin ito kung may copyright claims. Makakasuhan ako. Masisira ang pangalan ko kapag nagkataon." Nabitiwan ko ang cookies nang mapansin kong may luha na sa mga mata niya.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang umiyak. It's natural, especially when you're tired, mas nangunguna ang emosyon mo. But I want to help him. Gagawin ko ang lahat.

Onalisa's Fate [soon to be published]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora