Chapter 33

60 9 8
                                    

SUOT KO ngayon ang isang candy red dress na may plunging neckline and long sleeves

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SUOT KO ngayon ang isang candy red dress na may plunging neckline and long sleeves. Si Vanilyn naman ay naka-blue cowl back satin maxi dress. Parehas kami ng gamit na accessories na may brand na Prada. Today is my bridal shower!

"Mag-iingat ka," sabi ni Sandro na nakahawak pa rin sa kamay ko. Kung aalukin kong lagyan ng posas ang kamay naming dalawa, tiyak na magiging pabor siya. Ayaw kasing bumitiw. "Umuwi kayo nang maaga. Huwag masyadong uminom at sumayaw. May pictorial pa bukas. I want your one hundred percent energy, wifey, kaya huwag magpapagod sa party. Marami pa tayong gagawin bago magpakasal," aniya nang may malungkot na mata.

Ano'ng problema nito? Ako nga dapat ang nagsasalita ng ganyan at hindi siya.

"Just enjoy your stag party. Huwag mo akong isipin dahil malaki na ako!"

Ginulo niya ang buhok ko kaya napanguso ako.

Tumigil na sa harapan namin ang automatic car ni Vanilyn at nag-beep ito nang maraming beses.

"Siya ang driver mo?" Hindi makapaniwala si Sandro nang ilusot ni Van ang ulo niya sa bintana at kumaway sa amin na parang nangangampanya lang.

"Alternate kami. Ako mamaya pag-uwi."

Hindi siya nagsalita kaya hindi ko mabasa ang takbo ng utak niya.

"Don't you trust me?" hamon ko. Hinawakan niya ang baba ko at mabilis na humalik sa labi.

"I trust you." Iba ang sinasabi ng bibig niya sa ipinakikita ng mga mata. Malungkot ang mala-buwan niyang mata, tila ba ay alam niya ang masamang mangyayari ngayong araw.

I'm sorry, Sandro Cecilio, but I have to do this for you and for me. Sana sa pag-iwan ko sa 'yo ay matagpuan mo ang babaeng magmamahal sa 'yo nang lubos at dadalhin ka sa tamang landas, dahil ngayon ay naliligaw ka na sa pagsunod mo kay Lolo Alfonso. Kapag patuloy kang magpapa-under sa kanila, matutulad ka kina Selo at sa mga tao rito na mamamatay-tao. You don't belong in this evil world. Kailangan mo ring umalis katulad ng gagawin ko.

***

SIMULA NANG sumakay ako sa sasakyan ni Vanilyn ay mabilis ang mga nangyari. Isang tinted na sasakyan at motor ang nakasunod sa amin. Si Selo ang nasa motor. At ang nasa tinted car naman ay si Pylon na isa rin sa mahuhusay na tauhan ni Lolo Alfonso. Sinusundan nila ako sa dalawang dahilan: para protektahan ako sa ibang tao at sa media, at para hindi makatakas. Actually, sampung sasakyan ang iniutos ni Lolo na sumama sa akin, but Sandro only asked for two vehicles because he trust me, that was what he said.

Ibinaba ko ang bintana at nilanghap ang simoy ng hangin.

"BFF, mausok sa labas," sabi ni Van na palipat-lipat ang tingin sa daan at sa akin. Sa lahat ng naging driver ko, siya na ang may pinakamabagal na takbo. Kaya nga hindi ako nakakaramdam ng kaba. "Bakit ka nagbubukas ng bintana?"

Hindi ko siya pinansin. Gusto ko lang langhapin ang amoy sa Manila dahil hindi na ako babalik dito. At kung babalik man ako baka abutin ng isang dekada!

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon