Red String 7 ~ Love is...

Start from the beginning
                                        

Hinawakan niya ang kamay ko habang tinatawagan si Mama. Sinusubukan kong kumalma kung hindi...


♥ '•.¸.•' ♥ ♥ '•.¸.•' ♥♥ '•.¸.•' ♥


Napatingin na lang ako kay Matthew na tinutulungan ako at inaalalayan para makatayo ng maayos. Tinignan niya rin ako at may halong lungkot ang kanyang mga mata. Inalis ko ang pagtingin sa kanya at tinignan si Mama na may kinakausap. Nang matapos siya ay lumapit siya sa amin na may lungkot.


May sinabi siya pero para ba akong nabingi. Ayoko. Ayoko na ng ganito.


Hindi pa ako tapos sa pagtulong kay Drake. Kailangan ko pa siyang tulungan.


♥ '•.¸.•' ♥ ♥ '•.¸.•' ♥♥ '•.¸.•' ♥


STEP 4: Make time for her. Make sure na may oras ka sa kanya. Hindi naman kailangan na siya talaga ang priority pero just make time for her to make her feel special naman din.

STEP 5: Communicate with her. With good communication, maasahan at mapagkakatiwalaan ka niya. Make her feel special in your talks. Know more about her.

STEP 6: Be a gentleman.

STEP 7: Have some humor. Wag parating cool. Make her laugh sometimes. Nakakaaliw rin kasi kapag joker ka. Hindi boring kasama.

STEP 8: Surprises! Do some surprises but not to grand also. Small surprises that will make her heart skip a beat.

STEP 9: Bring her to a special place. A place where you can two can spend some time and remember it how special it is.

STEP 10: Be you. Don't pretend to be someone else. Just be you and also when you admit your feelings.. remember this: Be you!


♥ '•.¸.•' ♥ ♥ '•.¸.•' ♥♥ '•.¸.•' ♥


Andito ako ngayon sa kwarto. Nakahiga lamang. Hindi ako pinayagan ni Mama na pumunta ng school ngayon. Atsaka sinabihan ko na sina Crae at Zy na may flu ako kaya hindi ako papasok.


Tinawag ako ni Mama kaya naman bumaba ako at nakita ko si Matthew nakaupo sa sofa.


"Matthew?"


"Hi Cass," bati niya sa akin. Napatingin naman ako kay Mama, ngumiti lang rin naman siya. Nakita kong gumagawa siya ng sandwich.


"Bakit ka andito? At paano mo nalaman na dito ako nakatira?" pagtatakang tanong ko sa kanya.


"Seriously hindi mo talaga alam?" tanong niya sa akin.


"Anak, hindi mo nakikilala si Chubby Matt? Siya ang anak ng Ninong mong si Andrew," ngayon naalala ko na.


"Oh my gosh! Ikaw si-omg. Ang laki ng pinagbago mo kaya naman pala hindi kita makilala eh kasi pati itsura mo nagbago," sabi ko naman. Natawa lang siya.


Nagpaalam si Matthew kung pwede ba na maglakad-lakad kami, pumayag naman si Mama.


Noong bata pa ako, mahilig kong awayin si Matt dahil sa mataba na siya, para bang baboy kung kumain. Pero ngayon nag-iba talaga ang kanyang pagmumukha.


Pumunta kami sa isang park na para bang garden. Ang ganda dito at nakaka-relax nga ng sobra. May dumaan na nagtitinda ng ice cream.


"Gusto mo?" tanong niya sa akin. Tumango lang naman ako. TInawag niya yung nagtitinda at bumili siya ng dalawa.


Nagkwentuhan lang kami. Nagtawanan. Para bang nakakalimutan ko lahat ng sakit.


"Ganito ba talaga ako kagwapo para hindi mo mapansin na ako yung kalaro mo noong bata pa tayo?"


"Wow! Wag ka rin masyadong assuming na gwapo ka talaga,"


"Bakit hindi ba?"


Hindi ako napasagot. Hindi dahil sa ayaw ko pero nagtuon ang pansin ko sa isang lugar kung saan may lalaki at babae na nagkakatuwaan at mukhang seryoso ang usapan.


"Hindi ba ako gwapo-" hindi natapos ni Matthew ang sasabihin niya dahil sinundan niya ang tingin ko. Napatikom rin ang kanyang bibig.


Walang gustong magsalita sa aming dalawa. Hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha ko. At nagbigay na naman si Matthew ng panyo pero hindi ko ito kinuha mula sa kanya kundi tumingin parin ako kung nasaan sina Drake at Ivy.


Step 9 and Step 10. Oo nga naman. Romantic kapag pinagsabay.


Nagulat na lang ako ng biglang niyakap ako ni Matthew. Napaiyak tuloy ako.


"You don't need to hurt yourself Cass. Love is sometimes unfair but you should not do this to yourself. You're killing yourself..."


Kung ganito nga talaga ang tadhana. Mapaglaro, mapang-akit, magulo, masakit... sana naging robot na lang ako para hindi ko ito maramdaman. Dahil kahit anong gawin ko. Mahal ko parin si Drake at kinaiinisan ko kung bakit ganun ang puso ko!


BAKIT BA MAHAL KO SIYA KAHIT NASASAKTAN NA AKO? Ayoko na...

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now