Red String 7 ~ Love is...

Magsimula sa umpisa
                                        

Si Matthew Bernardo, famous student in the school and also he is known as the most valuable player in our basketball team. Model and at the same time singer rin sa isang banda. Pwede mo na ring sabihin na isa siya sa Campus Crush.


Bakit siya andito? I mean...


"Alam mo, nakakapangit at nakakatanda ang parating pag-iyak kaya tama na," sabi niya at bigla niyang pinunasan ang mga luha ko at nilagay ang panyo sa kamay ko.


Wala pa ring lumalabas na salita sa bibig ko. Naririnig ko na ang mga bulong-bulong mula sa ibang estudyante.


"Hayaan mo sila Cassy. Huwag mo silang pakinggan," mas nagulat ako na kilala niya ako. We are not in the same class and we barely see each other in this school sa sobrang laki naman.


"Paano-" nauutal kong sabi pero bago pa man akong matapos magsalita ay nagsalita na siya ulit. "Haha talagang hindi mo alam?" Nagtaka ako sa sinabi niya. Ano ba ang hindi ko alam?


"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.


"We were classmates in Middle school and I sometimes see you around the office where your Dad works but my mom changed workplace so I don't get to see you so much," kwento niya. Well, I didn't expect that. I didn't see him really around. I mean sa gwapo niya tapos hindi ko man lang mapapansin.


Yes, I won't deny na gwapo siya because he is.


Wait, well, I remember noon may isang batang lalaki sa office ni Papa na chubby na hilig kumain ng chocolates and doughnuts. But it isn't him? He can't be.


Itatanong ko na sana kung siya nga ba yung bata kaso biglang lumapit si Drake na para bang galit. Nagulat na lang ako ng aaksyonang suntukin ni Drake si Matthew. Pero bago pa man niya masuntok si Drake ay humarang na ako.


"Cass, pinapaiyak ka ba nito?" inis na sabi niya.


"Ano ba ang sinasabi mo Drake? At bakit mo susuntukin si Matthew? Ano... nakalimutan mo na ba ang number three?" tanong ko sa kanya. Alam kong wala sa lugar ang pagdiin sa steps pero kailangan para maiba ang usapan.


STEP 3: Be fair to the girl. If you promised to be with her for the time being, be with her. Feel what she would feel. Be understandable.

"Pero-"


"DRAKE PLEASE! JUST GO!" bigla kong sabi.


Umalis na ako at dumiretso na sa isang lugar na alam ko lang ako lang mag-isa. Sa likod ng building namin. Napaupo na lang ako at humagulhol sa pag-iyak. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa sumikip na talaga ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga.


"Cassy? Cassy!!" napalingon ako nakita ko si Matthew. Tinuro ko ang bag ko at pinakuha ko ang cellphone ko.


"Ta-tawagin mo ang Ma-Mama ko, p-please..." sabi ko sa kanya.


No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon