Chapter 19

50 5 2
                                    

!!!TYPO AND UNGRAMMATICAL AHEAD!!!

Chapter 19

TODAY IS THE DAY! Ngayon magaganap ang celebration na pinaka hinihintay ng lahat ng empleyado sa kompanya....maliban sakin

Pero dahil wala naman akong choice ay aattend nalang din ako, bw*sit kase yang si Sir Chase!

Nasa bahay pala ako ngayon at naglalaba wala kasing pasok sa opisina  dahil nga sa gaganapin na mamayang gabi ang celebration para sa 4th anniversary ng kompanya

"Amelia!" rinig kong sigaw ni Claire sa aking ngalan kasabay nito ay ang marahas na pagbukas ng pinto, dali dali akong tumayo upang salubungin ito

"Anong ginagawa mo?" May pagkamasungit nyang tanong

"Naglalaba po, bakit may ipapagawa ka ba, Claire?" Tanong ko dito habang  pinupunasan ang basa kong kamay

"Plantsahin mo mga damit ko pagkatapos mo dyan." Utos nito sabay tumalikod at hindi man lang hinintay ang sagot ko

Napahinga ako ng malalim, sa dami ng gawain sa bahay na ito ay hindi ko na alam kung saan ba dapat ako magsimula mabuti nalang at wala sila Auntie at Uncle dito sa bahay

Mabilis ko nang tinapos ang mga labahin upang kaagad na masimulan ang iba pang gawain kailangan ko itong tapusin bago magtanghali dahil may kailangan pa akong puntahan mamaya

Ilang oras palang ang nakalipas ay muli kong narinig ang sigaw ni Claire na tinatawag ang pangalan ko  kaya dali dali akong nagtungo dito

"Bakit? May problema ba?" takang tanong ko

"Tapos mo na ba plantsahin mga damit ko?" Tanong nito habang ang mga mata ay nakatuon lang sa Movie na kanyang pinapanood

"Oo, nilagay ko na din sila sa cabinet mo sa kwarto." Sagot ko dito at tumango tango naman sya

"Good, may pagkain ka na bang naluto?" Tanong ulit nya habang busy parin kakanood at hindi man lang magawang magtaas ng tingin sa akin

"Ah meron na, sandali lang at ipaghahain kita" kaagad akong pumunta sa kusina at  inihanda ang mesa pagtapos ay tinawag ko na ito agad naman syang tumayo mula sa sala at nagtungo sa dining area

"Bakit isa lang 'to?" Nakakunot ang noo na reklamo nito habang nakatingin sa platong nasa lamesa, ang tinutukoy nya ata ay ang plato na iyon

"Wala sila Auntie kaya isa lang, ikaw lang naman ang kakain diba?"

"How about your mother? Gugutomin mo ba sya?!" Inis na wika nito saka umirap

"Pero sabi ni Auntie Emma bawal daw kaming kumain dito sa dining ha—" hindi pa ako natatapos ay pinutol na nito ang sasabihin ko

"I DON'T CARE! Call Auntie Alicia  here, NOW!" Sigaw nito taranta naman akong pumunta sa kwarto namin ni mama at nakita ko sya doong nagsusulat sa isang notebook nilapitan ko ito upang kausapin

"Ma, Anong ginagawa mo?" takang tanong ko dito at bahagyang sinilip ang sinusulat nya

"Ah sinusulat ko yung ilalagay natin sa menu kapag nagkarestaurant na tayo!" wika nito at sinabayan pa ng palakpak makikita sa mukha nito ang pagkaexcite at tuwa sa kanyang ginagawa

I''m glad that she's happy now

"Wow naman! Mukhang ready na ready ka na para sa restaurant" Pagpuri ko dito ngumiti lang ito ng matamis sa akin at ibinalik na ang tingin nya sa notebook na kanina pa nya sinusulatan

"Hindi ko nga alam kung ano pa ba ang maaaring idagdag dito e" medyo  problemangdong wika nito

"Hayaan mo muna yan Ma for sure madami ka pang maidadagdag dyan in the future sa ngayon ay lumabas muna tayo at hinahanap ka ni Claire" sambit ko dito at marahan syang hinila papalabas

"Auntie Alicia, upo po kayo sabayan nyo akong kumain" pag-aya ni claire kay mama tumayo pa ito at pinaghila sya ng upuan

"Naku ikaw talagang bata ka hanggang ngayon maalaga ka parin, kamusta pala ang pag-aaral mo pinagbubutihan mo ba?" Nakangiting tanong nito kay Claire

"Oo naman, Auntie! Kaya lang medyo nahihirapan ako sa mga subjects" pagkukwento nito

"Kung nahihirapan ka ay magpaturo ka nalang kay Amelia matalino ang anak ko nayan" proud na sabi ni Mama habang sinasandukan ko sya ng kanin

"Ah, baka hindi ko din yon alam Ma magkaiba kase kami ng course ni Claire" paliwanag ko dito

"Ay ganon ba. Bakit nga pala hindi kapa nauupo? Kakain na tayo kaya maupo ka na." Utos nito at kinuha sa akin ang kutsarang ginamit ko sa pagkuha ng kanin nya kanina

Nag-aalangan akong tumingin kay Claire baka kase magalit ito lalo pa at wala naman syang sinabi na gusto nya din ako kasabay

Mukhang napansin nya naman agad ang pagdadalawang isip ko kaya nagsalita na ito

"Just sit Amelia kakain na tayo." Kalmadong ani nito agad naman akong sumunod at naupo sa tabi ni Mama

Habang kumakain ay nag-uusap silang dalawa tungkol sa itatayong restaurant mukhang mas excited pa si Claire kaysa kay Mama, One thing that i like about her is kahit gaano pa kasungit ang pagtrato nya sa akin ay kabaliktaran naman nito ang pagtrato nya sa mama ko

Nang matapos kaming kumain ay agad akong tumayo upang ligpitin ang pinagkainan akmang tutulungan pa sana ako ni mama kaya lang ay bigla syang inaya ni Claire papunta sa living room upang makipagkwentuhan kaya naman ako nalang mag-isa ang nagligpit ng mga ito

Pagkatapos kong mag-urong at punasan ang mesa ay dumeretso ako sa living room sakto namang si mama na lang ang nandoon kaya naupo ako sa tabi nito

"Ma, may pupuntahan pala ako mamaya ah" paalam ko dito baka kase bigla nya akong hanapin

"Akala ko ba ay wala kang trabaho ngayong araw?" Nagtatakang tanong nito

"A-ah wala nga po,may kailangan lang akong gawin sa kompanya" Medyo nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya na ang talagang pupuntahan ko ay isang resort at para ito icheck kung maayos na ba ang venue

"Sige, basta mag-iingat ka" nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi na ito nagtanong pa ayoko rin kaseng malaman nya na lalabas ako ng bahay mamayang gabi dahil for sure ay mag-aalala lang ito at posible pang makarating kila auntie Emma

Sasagot na sana ako dito ng biglang magring ang cellphone na kanina pang nasa bulsa ko agad ko itong kinuha at binasa kung sino ang caller

Sir Chase...

Sinagot ko ito kaagad at bumungad sa akin ang galit na bises nito

"Amelia, Where the h*ll are you?!! Kanina pa kita hinihintay dito sa office!!"

"S-sir? 12:00 noon palang po, sabi mo  1:00 tayo pupunta sa resort para icheck ang ayos ng venue?" Nagtataka ngunit may kabang wika ko

"What?!" Inis na sigaw nito sa kabilang linya saka sinundan ng ilang mga mura

"Sh*t! Sh*t! Sh*t! I thought i said 11:00?!" Rinig ko na ang pagkafrustrated nito sa sarili nya kaya naman sumagot kaagad ako

"H-hindi po Sir, base sa message nyo sa  akin kagabi ang sabi nyo ay 1:00 tayo pupunta" pagpapaliwanag ko parin dito kahit kinakabahan

"F*ck! I become too excited!" Narinig ko pa itong huminga ng malalim para kumalma saka ulit nagsalita "Lets go around 1:00, I'll wait for you here in my office" maikling wika lang nito at ibinaba na ang linya

What the h*ll? He's so weird...

~         Melestial          ~


His Bossy Secretaryحيث تعيش القصص. اكتشف الآن