Chapter 10

81 31 1
                                    

!!!TYPO AND UNGRAMMATICAL AHEAD!!!

Chapter 10

Gumising ako ang maaga ngayon kahit hindi din naman ako masyadong nakatulog dahil sa nangyari kagabi sana lang talaga ay maayos ang maging gising ni mama ngayon upang hindi na maulit pa ang pangyayari kagabi

Hinalikan ko lang sa pisngi si Mama at bumangon na upang masimulan ang mga gawain dito sa bahay una kong ginawa ay ang urungan ang pinagkainan kagabi habang nagluluto ng umagahan nila Auntie

Pagkatapos kong magluto ay ginawa ko na ang palagi kong ginagawa kumuha ako ng tupper ware upang tabihan ng pagkain si mama in case na hindi nanaman sya tirhan ng pagkain

Nang matapos ko na ang mga gawaing bahay ay kaagad na akong naligo at nagbihis, suot ko na naman ang long sleeves upang takpan ang paso na natamo ko kagabi hindi naman ito malala kaya lang ay namumula ito at parang nagkaroon ng tubig ang loob kaya pinili ko nalang itago

Pagkatapos kong mag-ayos ay sinigurado ko munang maayos ang kalagayan ni mama bago lumabas ng bahay

Hindi nagtagal ang paghihintay ko ngayon ng Jeep kaya naman maaga rin akong nakarating sa building pumunta agad ako sa opisina upang ilagay ang mga gamit ko doon at lumabas ulit dahil plano kong magkape

As usual naglakad lang ako papuntang coffee shop at tumambay doon saglit habang inuubos ko ang kape ay naisipan kong bilhan ulit sila kuyang guard nito dahil mukhang inaatok sila pagpasok ko kanina

Bumili na ako ng apat na kape at naisipan ko na ring bilhan ang kaibigan ko kaya ginawa ko na itong lima

Nang makuha ko ang order ay agad na akong bumalik sa building at ibinigay kila kuyang guard ang kapeng binili ko

"Naku Ma'am Amelia napapadalas ata ang panlilibre mo yumayaman ka na ba?" Pabirong sabi sa akin kuyang guard nagtawanan naman ang tatlo pa nitong kasama sa likod

"Ay kuya kung mayaman lang ako ibinili na sana kita ng bahay" ganting pakikipagbiruan ko rin dito at nagtawanan naman silang apat

"HAHAHA kung ganon ay ipapanalangin namin ang pagyaman mo" sagot naman ng isa pang guard sa harap ko nakipang high five pa ito sa mga kasamahan nya nakakatuwa talaga silang kausap dahil napaka genuine ng mga ito

"Sya nga pala kuya dumating na ba si Matthew?" Magalang na tanong ko dito, ang Matthew na tinutukoy ko ay walang iba kundi si bakla- este ang kaibigan ko paniguradong magagalit 'yon pag nalaman nya kung ano ang tinawag ko sa kanya palagi nya kaseng sinasabi na matt nalang daw para hindi masyadong lalaki ang dating tsk tsk

"Hindi pa po namin sya napapansing pumasok dito Ma'am Amelia" magalang ding sagot nito

"Kuya naman sabi ko sayo Amelia nalang ang itawag nyo sa akin e ang kulit kulit nyo naman" kunwaring naiinis kong sabi dito kahit ang totoo ay medyo natutuwa ako dahil sa palaging pagiging magalang ng mga ito hindi nila ako minamaliit kahit na mas matanda ang mga ito kaysa sa akin ang iba kase ay hindi man lang ako pinapansin o pinapakinggan dahil lang sa mas bata ako

"Ay sorry po Ma'am- ay Amelia pala hehe palagi naming nalilimutan e" sabi nito habang kakamot kamot sa ulo nya

"Okay lang kuya basta next time ah Amelia nalang"

"Sige, Amelia walang problema" nakangiting sagot ng mga ito sa akin

"Ayos! Una na 'ko kuya madami pa 'kong gagawin sa office e" paalam ko sa mga ito ang problema ko ngayon ay kung kanino ko ibibigay ang kapeng hawak ko para sana ito kay Matt kaya lang wala naman pala sya... saktong nag-iisip ako nang makita ko si Michael sya ang pinakiusapan kong magbigay ng files kay Ma'am Sheryll kahapon kaya tinawag ko ito

His Bossy SecretaryKde žijí příběhy. Začni objevovat