Chapter 16

46 5 0
                                    

!!!TYPO AND UNGRAMMATICAL AHEAD!!!

Chapter 16

Nandito ako ngayon sa cafeteria kasama sila  Matt and Cecilia dapat nga ay kanina pa ako uuwi dahil anong oras narin ngunit hindi ko alam kung anong nakain ng dalawa na ito at hinila pa ako papunta dito para daw magmeriyenda

Sumama naman ako at masamang tanggihan ang libre baka di na maulit

"Hay nako mga bakla nakita ko nanaman yung babaeng sinasabi ko sainyo kaloka kung makairap sa akin akala mo namang may ilalaban sya sa ganda ko!" Rinig kong reklamo nanaman ni bakla halatang inis na inis talaga ito sa babae na bagong dating lang daw dito sa kompanya

"Minsan ko naring nakasalamuha yung babaeng sinasabi mo Matt mukhang hindi nga maganda ang talas ng dila" Mahinhin na dagdag ni Cecilia sa mga ikinukwento ni Matt hindi mo mapaghahalatang naiinis din ito sa babae dahil kung boses nya lang ang papakinggan ay napakahinahon nito

"Bakit naman, Cecilia? Anong bang ginawa sayo?" Tanong ko dito gusto ko rin kaseng maunawaan kung saan nanggagaling ang inis nila sa babae na kanina pang topic ng conversation namin

"Ah wala namang ginawa sa akin pero noong nakaraang araw ay nakita ko itong pinapagalitan  yung mga guard dahil lang sa hinahanapan sya ng ID ng mga ito"

Agad namang nag-init ang ulo ko dahil sa narinig bakit nya naman papagalitan ang mga ito gayong  ginagawa lang nila ang kanilang trabaho mukhang naiintindihan ko na kung bakit halos lahat ng empleyado dito sa kompanya ay nagbabago ang expression ng mukha sa tuwing dadaan sya

"Change topic na nga tayo please kumukulo lang ang dugo ko pag pinag-uusapan ang babae na 'yon" maarteng sabi ni matt saka uminom ng juice na kanina pa nya hawak hawak

"Mabuti pa nga baka mawalan ka pa ng kontrol sa sarili mo at masapak mo na talaga yung babae" mapagbirong wika ni Cecilia saka tumawa dahil alam nya na kahit gaano pa man kainis si Matt sa isang bagay ay hindi naman nito magagawang manakit sadyang brutal lang ang kanyang bibig at walang preno kung magsalita

"Sya nga pala Amelia kamusta na si Auntie Alicia? Pasensya na kamo at  hindi na ako nakadalaw pa sa kanya dahil naging busy din ako isa pa ay baka malaman ng Auntie mo paniguradong malalagot tayo"  Hingi nito ng paumanhin kahit hindi nya naman kailangan itong gawin marahil ay talagang malapit lang ang loob nila ni mama sa isa't isa matagal na kase nitong pangrap na magkaroon ng anak na lalaki ngunit hindi nabigyan ng pagkakataon

"Sa palagay ko ay patuloy ng bumubuti ang kalagayan ni mama sa katunayan ay kinausap nya ako kahapon sinabi nyang gusto nya daw muling magtrabaho tulad ng dati kaya pinagpaplanuhan ko na ngayon ang mga bagay na kakailanganin nya at kung saan itatayo ang restaurant" pagpapaliwanag ko dito dahil baka sakaling matulungan nya ako sa pag-iisip lalo na at wala akong alam na magandang lugar kung saan maaring magrenta o magtayo ng restaurant

"Waaait—Seryoso ba?! Grabe Amelia I'm so excited for your mom at last matitikman ko na ang pinagmamalaki mong luto nya!" Tuwang tuwang wika nito kulang nalang ay magtatalon sya sa tuwa palagi ko ba naman kaseng ikinukwento dito ang mga paborito kong putahe ni mama kaya ayan tuloy maging sya ay naeexcite sa pagsisimula ulit namin

Makikitawa na sana ako kay Matt ng mabaling ang tingin ko kay Cecilia tahimik lang itong uminom ng juice at mukang naguguluhan sa pinag-uusapan namin pero hindi naman ito mukhang naiinis dahil nakangiti parin ang mga mata nito habang nakikinig sa usapan

"Ay pasensya ka na Cecilia si Matt kase e ang daming tanong" kunwaring sisi ko kay Matt agad namang sumama ang tingin nito sa akin pero agad din syang ngumiti ng matamis at humingi ng paumanhin kay Cecilia ng mabaling ang tingin nito sa kanya

His Bossy SecretaryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora