Umayos ako ng upo nang makita kung kanino galing ang text.

"Sino?" tanong ni Chazel sa akin, tunong nang-aasar. "Kay Henrick, noh?"

Tumawa lang ako sa kaniya. "Shh, 'wag kang maingay."

"Ibang klase," narinig ko pang bulong niya habang umiiling-iling pa. Tumayo siya at umwayos ang sarili. Hindi na siya nagpaalam at naglakad na papunta sa mga kaibigan naming nagbabardagulan na ngayon.

Napangiti ako. Simula nung nalaman niyang nag-te-text at chat kami ni Henrick, inaasar niya 'ko. Sabi niya, sana all daw may nag-te-text, pero kahit ganun, kapag nalalaman niyang nag-te-text ang lalaki, kusa siyang aalis para daw bigyan ako ng privacy.

Ewan ko sa kaniya. Hindi naman kailangan, eh. Wala namang malisya ang ginagawa namin ni Henrick. Parang normal lang. Isa pa, hindi naman palagi, eh. Hindi araw-araw. Kapag may oras lang saka naaalala.

Katulad ngayon, ito ang una niyang text simula nung nakaraang linggo pa. Habang sa chat naman, kanina lang nung nagsabi siya ng 'Goodluck sa exam'. 'Yon lang. Nag-reply ako tapos, ayun na. Tapos na ang pag-uusap.

Binuksan ko ang text niya saka binasa.

From: Henrick Yu

Ayos ka lang?

Nagtagpo ang kilay ko sa nabasa. Nag-angat ako ng tingin. Nagkatinginan pa kami sandali pero agad din siyang nag-iwas nung binatukan siya bigla ni Sandy.

Iiling-iling akong nagtipa ng reply.

To: Henrick Yu

Ha?

Wala pang halos isang minuto, nakatanggap agad ako ng reply mula sa kaniya.

From: Henrick Yu

Ha? Hatdog. Sabi ko, ayos ka lang ba? Para ka kasing nanghihina, eh

Kumunot ang noo ko at mariing kinagat ang ibabang labi. Magkasalubong ang kilay na nagtipa ako ng reply.

To: Henrick Yu

Ayos lang ako. Antok lang toh.

Hindi na nasundan pa ang text namin dun. Hindi na siya nag-reply pa lalo na't nagkayayaan nang pumunta sa basketball court. Pinasok ko na sa bag ang cellphone saka tumayo. Pinagpag ko pa ang sarili bago tumakbo papunta sa mga kaibigan.

"Uy, sana, noh, maging mag-kaklase pa rin tayong lahat," biglang sabi ni Sandy na parang wala sa sarili.

May kaniya kaniyang singhap naman ang iba na siyang kinatawa ko.

"Langya, bebs, kahit 'wag na. Nakakaumay na ang pagmumukha niyo."

Nanlilisik ang matang nilingon ni Sandy si Rochelle na siyang nagsalita. "Grabe, Chelle, parang hindi kaibigan, ah? Umay na rin naman ako sa mukha niyo pero ba't parang gusto ko pa rin kayong kasama? Ang sama nga nito pero hindi ako nagrereklamo."

"Ako din, umay na pero wala akong magagawa, ganun talaga," singit ni Henrick sa usapan. Umismid lang sa kaniya ang mag ito at inirapan pa. Dun ako pasekretong tumawa.

"Kawawa naman 'yang papi mo, Basi. Pinagkakaisahan," nang-aasar na bulong ni Chazel sa tenga ko.

Tinawanan ko lang siya saka pinagpatuloy ang paglalakad.

"Pero seryuso, gusto ko pa rin talaga kayong maging classmates. Ewan ko lang kung bakit. Basta, parang ang sarap sa feelings kapag kayo ang kasama."

Nagbuga ako ng malalim na hininga. "Oo nga, eh. Sana walang magbago sa atin kahit grade 9 na tayo."

Iyon ang sabi ko na sinang-ayunan ng lahat.

Alas dos pa lang ng hapon kaya ramdam na ramdam pa sa balat ang init ng araw. Grabe kasing lakad 'to, hindi man lang ako hinayaang makapaghanda. Ayan tuloy, naglalakad akong wala man lang dalang payong.

To Forget (Destined Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat