CHAPTER 9

140 2 0
                                    

Im not a perfect writer or author. Expect a Grammatical Errors, Typographical Errors, Wrong Spelling. Thank you...

****************

AKASHA POV

~ SA ilalim ng kalawakan
Pangalan mong isisigaw
Sa ilalim ng buwan ay titigan
At hawakan aking kamay.~

Parang nag slowmo ang lahat ng tao sa paligid nung nakita ko siyang dahan dahang lumalapit sa akin at bigla akong napahawak sa may dibdib ko dahil biglang lumakas ang tibok ng puso ko hindi ko alam kung bakit, hindi na yata normal ang pagtibok ng puso ko.

~ Isasayaw ka nang dahan-dahan
Hanggang 'di mo mamalayang
Ako na pala ang 'yong kailangan
At gusto mong pamahalaan.~

Nang makalapit na siya sa akin ay nakatitigan muna kami bago siya ngumiti at inoffer ang kanyang kamay sa akin.

~ Tila'y rosas na pula
Labi mong nagsasalita
Kay sarap itigil ng oras
Maaari itali't iposas.~

"Would you like to dance, Sha Sha?" nakangiting sabi niya sa akin.

"X-xavier, w-what?" nauutal kong sabi.

Bigla namang nawala ang ngiti niya sa labi at napasimangot dahil ayaw niya palang tinatawag ko siyang Xavier gusto niya Xy lang at gusto niya ako lang ang mag babanggit ng nickname niya at siya lang din ang mag babanggit ng nickname ko, nagagalit siya pag may ibang tumatawag sa nickname ko maski magulang namin lagi niyang sinasabi na Akasha ang itawag nila sa akin at Xavier naman ang sa kanya. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay kaya hinayaan ko na lang, wala naman akong magagawa.

"How many times do i have to tell you na Xy ang itawag mo sakin not Xavier" nakasimangot na sabi niya kaya naman hindi ko maiwasan na matawa.

"Bakit ba? Eh pangalan mo din naman yun" sabi ko sa kanya.

"Kahit na! Call me Xy not Xavier ok?"

"Opo!" sagot ko para matigil na siya sa pag dradrama.

"Ang panget mo talagang ka bonding tsk. Pasalamat ka talaga ma--- ehem!" bigla siyang nahinto sa pagsasalita at tumikhim.

"Pasalamat ka talaga ano?" tanong ko sa kanya.

"Wala wala! From the top! Would you like to dance, Sha Sha?" sabi niya ulit at bumalik na din ang mga ngiti niya sa labi.

"No" sabi ko para asarin siya.

Nang marinig niya ang sinabi ko ay nakita kong nagsalubong ang dalawa niyang kilay at tumingin nang masam sa akin kaya naman natawa ako.

"Ano na sha,dapat yes" nagmamaktol na sabi niya.

"Ayoko sumayaw eh" sabi ko ulit.

"Bakit" tanong niya ulit.

"Mmm nahihiya ako" mahina kong sabi kaya this time siya naman ang natawa.

"Wag kang mahiya nandito lang ako ang ganda ganda mo kaya cheer up Sha be confident" sabi niya kaya napangitin naman ako sa sinabi niya.

Moon & Star: Prom NightNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ