CHAPTER 7

126 3 0
                                    

Im not a perfect writer or author. Expect a Grammatical Errors, Typographical Errors, Wrong Spelling. Thank you...

****************

AKASHA POV

PAGABI nang makabalik kaming tatlo sa kwarto namin.

Medyo nahirapan nga kami sa pag buhat ng mga nabili naming pasalubong dahil napadami ang bili buti na lang tinulungan kami ng guard kaya medyo nabawasan ang bitbit namin.

"Mamaya na muna natin ayusin ang mga pinamili nating mga pasalubong kumain muna tayo sa cafeteria sa baba" sabi ni Ira kaya naman sumang ayon kami ni Nia at bumaba ulit kami para kumain sa cafeteria ng hotel.

Pagdating namin sa cafeteria ay nakita ang ibang teacher at mga estudyante na kumakain na rin. Dumaretso kaming tatlo sa cashier at duon umorder ng mga kakainin namin.

Rice at sinigang ang napili kong kainin at si Nia naman ay Rice at adobong baboy at si Ira ay Rice at sinigang din. Naghanap na kami ng uupuan nang makuha na namin ang order namin at mabayaran.

Habang kumakain kami ay tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko kaya kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag.

~ Xy panget 😜 calling ~

Tumayo ako at nagpaalam kila Nia at Ira na sasagutin ko lang ang tumatawag sa cellphone ko. Pumunta ako malapit sa water desfenser at duon sinagot ang tawag.

"Hello Xy baket?" tanong ko.

"Malapit na ako Sha Sha. Kumain ka na ba?" tanong niya sa kabilang linya.

"Kumakain ako nung tumuwag ka, istorbo ka" biro kong sabi.

"Hahahaha ok ok sige na kumain ka na muna. Byee"  paalam niya at binaba ang tawag.

Binalik ko na ulit sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko at bumalik na ulit sa upuan namin para kumain.

"Sinong tumawag Boyfriend mo?" tanong ni Ira pagkaupo ko.

Natawa naman ako at umiling.

"Hindi, bestfriend ko ang tumawag" sabi ko sa kaniya.

"Lalaki o babae? Anong pangalan?" tanong naman ni Nia.

"Lalaki, Xavier" sagot ko ulit atsaka kumain.

"Mmmm Lalaki, jan nag umpisa ang lovelife ng mga magulang ko"  birong sabi ni Ira.

"Kaibigan ko lang yun" sagot ko sa biro ni Ira.

"Suss baka KA.I.BI.GAN Yieeeee" sabay na sabi nila Ira at Nia kaya napailing na lang ako at kumain na lang ulit

Patapos na kaming kumain nang maramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ng pantalon ko at tinignan kung sino ang nagtext.

One Message Received
From: Xy panget 😜
Shaaaa nandito nakooooo
8:10 pm

Pagkatapos kong basahin ay binalik ko na ulit ang cellphone ko sa bulsa at tinapos na ang pagkain.

"Guys mauna nako sa inyo sasalubungin ko lang si Xavier nanjan na kasi siya" sabi ko sa kanila at tumayo na.

"Mmm sige salubungin mo na ang iyong KA.I.BI.GAN" sabi ni Ira habang may nanunuksong tingin.

"Bestfriend ko nga lang talaga yun, ano ba kayo hahahaha" sabi ko sa kanila.

"Ok ok sige sabi mo eh. Kawawa naman si kuya na bestfriend zone kung ayaw mo reto mo na lang sakin hahaha" sabi ni Nia kaya natawa na lang ako at nagpaalam na sa kanila.

Moon & Star: Prom NightWhere stories live. Discover now