CHAPTER 3

198 4 0
                                    

Im not a perfect writer or author. Expect a Grammatical Errors, Typographical Errors, Wrong Spelling. Thank you...

****************

AKASHA POV

KINABUKASAN maaga akong nagising dahil nga lunes na naman kaya inayos ko na ang gamit ko bago ako bumaba at kumain.

"Akasha dear sinabi sakin ni Xavier na ayaw mong pumunta sa prom niyo, why?" tanong ni mommy habang hinahanda ng mga kakainin para sa breakfast namin.

Lagot ka sakin mamaya Xy.

"Ayaw ko lang po" sabi ko kay mommy habang nag sasandok ng pagkain.

"Sumama ka dear, minsan mo lang mararanasan buhay mo ang prom, you should try" pangungumbinsi sakin ni mommy.

"You're mom is right hija, sumama ka na" pagsang ayon ni daddy kay mommy.

Wala naman akong nagawa kundi tumango na lang dahil wala na akong choice dahil baka lalo pa akong kulitin ni mommy pag tumanggi ako.

"Perfect! Papasukatan na kita ng gown, i'm so excited!, hon remind me to call cindy later ok?" excited na sabi ni mommy.

Binilisan ko nang kumain dahil nag hihintay na daw sa kotse si Xy sabi ni manang loyda kaya pagkatapos na pagkatapos ko kumain ay nag paalam nako kila mommdy at daddy atsaka ko kinuha ang gamit ko at nagmamadaling pumunta sa kotse.

"You're so slow, like a turtle sha sha" nagrereklamong sabi ni Xy nung nakapasok ako sa loob ng sasakyan.

"You're so slow like a turtle sha sha" pang gagaya ko sa kanya at inirapan siya.

"You're so funny sha sha Hahahahaha" sabi ni Xy habang tumatawa.

"No i'm not" sabi ko at inirapan ulit siya.

Binatukan ko siya nung may naalala ko dahil sinabi niya pala kay mommy na hindi ako sasama sa prom kaya binatukan ko siya.

"Aray! Sha sha! Bakit ka ba nambabatok? Inaano kita jan?" sabi ni Xy habang hinihimas ang kanyang ulo na nabatukan ko.

"Deserve mo yan sinabi mo kasi kay mommy na hindi ako sasama sa prom tsk" sabi ko at binelatan siya.

"You're so mean to me every single day sha sha" sabi naman ni Xy habang hinihimas pa rin ang ulo niya inirapan ko lang ulit siya.

"Sabi ko naman sayo ayaw kong sumama eh" reklamo ko sa kanya.

"Sumama ka na promise ako lang ang magiging partner mo at magiging first at last dance mo" nakangiting sabi niya pero binatukan ko lang siya kaya napasimangot siya.

Wala naman siyang nagawa dahil hindi niya magagawang batukan ako kasi alam niyang makakarating ito kaagad kay tita Cindy, ayaw na ayaw kasi ni tita Cindy na nambabatok o nambubully si Xy.

Habang nasa biyahe papuntang school ay naglaro at nag asaran lang kami ni Xy kaya hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa school, kung hindi pa sinabi ng driver namin ay hindi pa namin malalaman.

Kinuha ni Xy ang Bag niya atsaka ang bag ko bago siya lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thanks" sabi ko kay Xy.

"Always Welcome" nakangiting sabi naman ni Xy at kinindatan ako.

"So flirty Xy, ewww" nandidiri kong sabi kaya naman napasimangot siya at naunang maglakad.

Natatawang hinabol ko siya habang tinawag ang pangalan niya. Huminto din naman siya at hinintay ako pero nakasimangot pa rin ang mukha niya kaya mas lalo akong natawa dahil para siyang bata na hindi binilan ng laruan.

Moon & Star: Prom NightWhere stories live. Discover now