CHAPTER 10

96 5 0
                                    

Im not a perfect writer or author. Expect a Grammatical Errors, Typographical Errors, Wrong Spelling. Thank you...

****************

AKASHA POV

HABANG tumitingin ako sa paligid ay nag aalalang lumapit sa akin si Ira at Nia.

"Akasha ok ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Ira kaya napatingin ako sa kanya.

"Nakita niyo ba si Xy?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Si Xavier? Hindi namin alam" sagot naman ni Nia.

"Ano ba kayo kasayaw ko lang siya kanina lang, hindi niyo ba nakita?" nagtataka kong sabi.

Tinanong ko ulit sila at tinignan ko silang dalawa pero parang nag aalangan silang mag salita. Saglit silang nanahimik pero binasag ni Nia ang katahimikan.

"Mmm A-akasha w-wala kang k-kasayaw" nauutal na sabi ni Nia.

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Anong wala? Eh kasayaw ko nga siya" sabi ko.

"Akasha tama si Nia, wala ka talagang kasayaw. Ikaw lang ang nakikita naming sumasayaw mag isa habang nagsasalita" sabi naman ni Ira.

Tinignan ko naman sila na at natawa habang tumutulo na ang mga luha ko sa mata.

"Hindi, hindi nagsisinungaling lang kayo. Kasayaw ko lang siya kanina" sabi ko habang humahagulgol na. "Baka nag Cr lang yun or baka may pinuntahan lang babalik din si Xy" sabi ko ulit.

Umiiyak na tinignan ko ang paligid para hanapin si Xy. Nang hindi ko mahanap si Xy ay napaupo ako sa gitna nang dance floor at napa hagulgol ng iyak.

Xy saan ka ba pumunta? Babalik ka pa dito diba? Sasayaw pa tayo diba? Please bumalik ka na ulit dito at sabihin mo sa kanila na kasayaw lang kita kanina.

"Akasha tama na please. Tara na bumalik na tayo sa kwarto natin" pag aalo sa akin ni Ira.

Tinulungan naman ako nila Nia at ni Ira na tumayo at inalalayan maglakad papunta sa kwarto naming tatlo.

Habang naglalakad kami ay naririnig ko ang mga bulungan ng mga estudyante at ang mga nagtataka na tingin nila sa akin pero hindi ko na iyon pinansin.

Nakarating kami sa kwarto namin kaya lumapit nagmamadali akong binuksan ang kwarto namin atsaka ko kinuha ang cellphone na nakacharge at binuksan iyon.

Pagkabukas na pagkabukas ko ay bumungad kaagad sakin ang mga missed calls at text nila Mommy, daddy, tita cindy atsaka si ate candy.

Kaagad kong binuksan ang mga message nila sa akin at binasa. Habang binabasa ko ang mga text nila ay hindi ko na naman maiwasan ang mapahagulgol.

One Messaged Received
From: Mommy
Akasha hija please umuwi ka na. Naaksidente si Xavier. Papunta na kami sa hospital, sumunod ka kaagad please.
Thurs. 11:50 pm

One Messaged Received
From: Daddy
Akasha sweetheart please answer my call.
Thurs. 11:59 pm

One Messaged Received
From: Mommy
Hija nasan ka na? Nasa Emergency room na si Xy. Please answer our call. Im worried to you.
Friday 2:05 am

Moon & Star: Prom NightWhere stories live. Discover now