CHAPTER 6

131 4 0
                                    

Im not a perfect writer or author. Expect a Grammatical Errors, Typographical Errors, Wrong Spelling. Thank you...

****************

AKASHA POV

DUMATING na ang araw na aalis kami ni Xy papuntang venue kaya maaga talaga akong gumising para icheck ang mga gamit ko sa bag dahil baka may nakalimutan ako.

5:20 am ang alis namin ni Xy kaya alas tres pa lang ay gumising na ako.

Nang matapos ako sa pag check nang mga gamit ko ay binaba ko na ito sa sala atsaka ako pumuntang kusina para initin ang inahandang almusal ni mommy kagabi.

Hangbang iniinit ko ang pagkain ay nag timpla muna ako ng gatas at tinext ko na din si Xy.

Compose Message
To: Xy panget 😜
Wake up Xy panget! Wake upppp!
Message sent √
3:30 am.

Ilang minuto din ang hinintay ko bago siya nag reply sa message ko.

One Message Received
From: Xy panget 😜
I'm awake... Goodmorning, how's your sleep?.
3:31 am.

Bago ako nag reply ay kinuha ko na muna yung pagkain na pinaiinit ko at nilagay sa plato atsaka ko kinuha ang gatas na tinimpla ko bago ako pumunta sa dining area.

Compose Message
To: Xy panget 😜
I don't know hahahaha.
Message sent √
3:34 am.

One Message Received
From: Xy panget 😜
HA! HA! HA! HA! Funny.
3:35 am.

Hindi ko na siya nireplyan at kinain na muna ang pagkain ko. Habang kumakain ako ay tumunog ang phone ko kaya naman tinignan ko ito.

~ Xy Panget 😜 Calling ~

Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa lamesa at sinagot ang tawag.

"Bakit ka tumawag?" tanong ko habang kumakain.

"Sorry Sha Sha hindi tayo makakasabay pumunta sa tagaytay" sabi ni Xy sa kabilang linya.

"Bakit?"

"Kailangan kong ihatid si ate candy sa airport dahil may ime-meet daw siyang client sa paris"

"Wala ba si kuya Jun ang driver niyo?" tanong ko sa kanya.

"Wala eh. Umuwi sa province nila dahil nasa hospital daw ang anak niya kaya sorry hindi tayo magkakasabay" hingi ng tawad ni Xy.

"It's ok papahatid na lang ako kay kuya Tommy sa driver namin"  sagot ko sa kanya.

"Mmm sige sige hahabol na lang ako... Hindi ko hahayaan na makasayaw ka ng iba dapat ako lang ang first and last dance mo i promise" sabi niya sa akin kaya sumang ayon na lang ako at nag paalam na sa kanya.

Pagkababa ko ng tawag ay nilapag ko na ulit ang cellphone ko sa lamesa at pinagpatuloy ko na ang pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang mga kinainan ko at binalik ko na sa lagayan.

Kinuha ko na ang mga gamit ko sa sala at pati na rin ang dress na nakaplastic at may hanger atsaka ko tinawag si kuya tommy para ipag drive ako papunta sa tagaytay ang venue ng prom namin.

Tinulungan muna ako ni Kuya Tommy sa paglagay ng mga gamit ko sa compartment ng kotse namin bago ako sumakay sa sasakyan.

Habang nasa biyahe ay naramdaman kong navibrate ang phone ko na hawak ko kaya tinignan ko ito.

One Message Received
From: Xy panget 😜
Otw na kami ni Ate candy sa airport... Ingat kayo sa biyahe.
5:02 am.

Compose Message
To: Xy panget 😜
Ingat din.
Message sent √
5:03 am.

Pagkatapos kong mag reply ay pinatay ko na ang phone at tinago sa loob ng bag dahil nakaramdam ako ng antok kaya pinikit ko ang mga mata ko at natulog.

10:30 AM na kami nakarating sa tagaytay ang venue ng prom namin. Beach resort ang napili ng school namin para daw makapag enjoy kami bago mag simula ang prom at pagkatapos ng prom.

Tinulungan ako ni kuya tommy sa pagkuha ng mga gamit ko sa copartment ng sasakyan.

"Kuya tommy pwede na po kayong umuwi kaya ko na to" nakangiti kong sabi sa driver namin.

"Sigurado po ba kayo ma'am?pano po kayo uuwi?" tanong ni kuya tommy.

"Opo atsaka kay Xy na lang po ako sasabay pauwi" sabi ko kaya tumango naman siya at nag paalam na para umuwi.

Nang naka alis na si kuya tommy ay nakita ko ang school bus namin na kakarating lang kaya hinintay ko itong huminto at hinintay sila bumaba dahil si ma'am steffi ang kukuha ng room namin.

Lumapit ako nang makita ko sa kanila nang bumaba na si ma'am steffi.

"Ok class sumonod kayo sa akin para malaman niyo kung sino ang makakasama niyo sa kwarto" sabi ni ma'am steffi at naunang pumasok kaya sumunod kami sa kanya.

Pagkapasok namin ay nakita ko na ang mga ibang estudyante na naghihintay sa kanilang adviser.

Umalis lang si ma'am steffi saglit para daw kuhanin ang susi sa mga kwarto namin. Hindi rin naman siya nagtagal ay bumalik din naman siya kaagad at tinawag na ang mga magkakasama sa isang kwarto.

"Nasan si Miss Safira Lee at si Miss  Lavinia Crimson atsaka si Miss Akasha Denise Garcia?" tanong ni ma'am steffi at ginala ang mga mata niya.

Nagtaas naman ako nang kamay at nakita ko din na nagtaas din nang kamay ang dalawang babae na tinawag.

"Lumapit kayo dito at kayo ang magkakasama sa kwarto, kunin niyo ang susi dito at pwede na kayong pumunta sa kwarto niyo" sabi ni ma'am steffi.

Kaya lumapit kaming tatlo sa kanya at kinuha ni Safira ang susi at sabay kaming tatlo umakyat para pumunta na sa kwarto namin.

"Hi roommates, ako si Safira Lee you can call me Ira for short" naka ngiting pagpapakilala ni Safira or Ira sa amin.

"Nice to meet you my name is Lavinia Crimson you can call me Nia for short" sabi naman ni Nia sa amin.

Tinignan nila akong dalawa kaya ngumiti ako sa kanila at nag pakilala.

"Hi My name is Akasha Denise Garcia you can call me anything you want but don't call me Sha or Sha Sha sorry" sabi ko sa kanila at ngumiti ng tipid.

"Nice to meet you too, so tara na? Pasok na tayo?" nakangiting yaya sa amin ni Ira kaya tumango naman kami ni Nia sa kanya.

Pagpasok namin ay medyo malaki ang kwarto sakto lang talaga sa tatlong tao at una mong makikita ay ang tatlong kama at isang Cr at kabinet na malaki.

"Saan kayo hihiga? Pili na kayo ng kama. Ok lang sakin kung saan ako hihiga" sabi ko sa kanila kaya naman tumango sila at pumili na ng kama.

Pinili Ira ang Pangalawang kama at si Nia naman ay ang unang kama at ako naman ay sa pangatlong kama.

Lumapit ako sa kama ko at inayos na ang gamit ko. Nilagay ko sa kabinet ang mga damit ko pati na rin ang dress na gagamitin ko.

"Nag chat si ma'am steffi sa gc, pwede daw tayong maglibot libot sa beach or bumili ng mga pasalubong, ano G ba kayo?" excited na sabi ni Nia.

"G!" sabay na sabi namin ni Ira kaya natawa kaming tatlo.

Binilisan namin ang pag aayos nang mga gamit namin at nang matapos ay bumaba kami para gumala at bumili ng mga pasalubong.

Hindi ko na aantayin si Xy dahil baka mamayang gabi pa yun dumating dahil nag text siya kanina na baka gabi na siya makaratinv dahil sa sobrang traffic. Siguro baka bukas na lang kaming dalawa ni Xy gumala at sasamahan na lang sila Ira at Nia.


(To be continued....)

---------------------

A/N: Don't forget to vote, comment, and please follow me also. Thank you.

You can follow me on my social media.

Facebook:https://www.facebook.com/Shanemaldia

Instagram:@_itzmeshanee

Twitter:@_itzmeshanee

See you on the next chapter! Have a good day and stay safe everyone!! 💛

Moon & Star: Prom NightWhere stories live. Discover now