CHAPTER 41

196 25 0
                                    

⚛⚛⚛

ALLEN

Nang nakita ko si tita sa gilid ng kalsada, itinuro ko kaagad kay daddy 'yong papasok sa subdivision nila.

"Daddy, stop" sabi ko at inihinto naman ni daddy ang sasakyan sa gilid kaya pinabuksan ko kay Justine ang pintuan sa tabi niya at tinawag si tita.

"Tita" bati ko sakanya ng dumungaw siya dito sa loob at nakita niyang tulog na si Czar.

"Get in" lingon sakanya ni daddy at mukhang nagulat naman si tita.

"Israel" gulat na sabi ni tita at mas lalo ako nagtaka kasi ang second name ni papa ang binagit niya.

My daddy's name is Alvin Israel Villaflor.

Bumaba naman si Justine at pumasok doon sa katabi ni daddy kaya pumasok naman si tita sa tabi ni Czar.

Hindi naman umimik si daddy hanggang sa makarating kami sa bahay nila kaya agad naman ni daddy binuhat si Czar at hinatid sa kwarto niya, kami naman pinapasok ni tita at pinaupo sa sala.

Maayos ang bahay nila at napakalinis.

"Tulungan na po kita jan tita" sabi ko at dinampot yung planggana at nilagyan ng tubig mula doon sa drum.

"Salamat iho" sabi niya kaya sumunod naman ako sakanya papuntang kwarto ni Czar at palabas naman si daddy nmula doon.

Napakalinis din ng kwarto niya pero may mga nakaklat lang na mga papel sa lapag.

"Pasensya na at makalat ang kwarto netong anak ko, hindi pa nakakapaglinis ehh" sabi ni tita.

"Ok lang po"

"Jusmeng batang 'to oo, ilang beses kong tinanong kung kayang pumasok ngayon, hindi naman pala. Pagpasensyahan mo na at naabala pa tuloy kayo" sabi niya ulit at pumunta sa paanan ni Czar para tanggalin ang sapatos niya.

"Ayos lang po, tsaka nandoon na naman po kami" sabi ko.

Nagising naman si Czar at sinabing nilalamig siya kaya inayos ko naman kaagad yung kumot niya, hindi niya naman pinaalis yung medyas niya kaya kinuha ko 'yom bimpo sa palanggana at pinigaan 'yon at nilagay sa noo niya.

"'nak wala ka ng kailangan?" Tanong niya kay Czar at niyugyog ng mahina.

"Hmmm matutulog lang po ako" mahina niyang sabi at tumagilid paharap sa pwesto ko.

"Uminom ka na muna ng gamot" sabi ni tita.

"Kakainom niya lang po ng gamot kanina" magalang kong sabi.

"Ganon ba? Sige maiwan na muna kita dito, dito ka lang?" Tanong ni tita saakin kaya tumango ako.

Paglabas ni tita tinignan ko naman ang mukha ni Czar habang nakapikit at nakita kong may kinakapa siya sa higaan niya kaya kinuha ko naman 'yung isang unan niya sa gilid at binigay 'yon sakanya.

Mukha kasing 'yon ang hinahanap niya ehh.

"Salamat" mahina niyang sabi at niyakap 'yon.

Inayos ko naman yung bimpo niya sa noo at nilagay sa gilid ng ulo niya para hindi mahulog, nakita ko din ang charger ng cellphone ni Czar sa may lamesa kaya sinaksak ko ang cellphone niya doon para macharge na dahil lowabat na talaga.

"Get well soon Czar"

*****

Ilang minuto pa ang itinagal ko sa kwarto ni Czar bago ako lumabas at paglabas ko nakita ko naman si Justine na umiinom na ng Juice at kumakain ng tinapay kaya tumabi naman ako sakanya sa sofa.

Miss Super High Standars (Season 1)Where stories live. Discover now