CHAPTER 20

285 23 0
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

Araw na ng sabado ngayon at heto paalis pa lang ako ng bahay papuntang ekwelahan para doon sa sinasabi nilang para sa scholarship.

Meron din palang para sa mga singer, bale for singers and dancers lang ang schoolarship na gagawing workshop.

"Ate, 'yong bag mo?" Tanong ni Pejay.

"Ayon sa lamesa kunin mo na at aalis na tayo" Sabi ko at nilapag yung suklay na hawak ko.

Magpapasama ako kay Pejay kasi hindi ako sanay na walang kasama, baka ma-OP lang ako doon atleast may kausap ako.

"Ma, papa aalis na po kami" paalam ko.

Nandito din si papa ngayon at hindi daw siya papasada, bukas na lang daw ulit. Mahina raw kasi ang pasada kapag sabado.

"Pupuntahan ko kayo mamayang tanghali ahh" Sabi ni mama kaya tumango naman ako.

"Pejay, bantayan mo 'yang ate mo ha baka mamaya nahila na 'yan hindi mo alam, sige ka wala ka ng magandang ate niyan" Sabi ni papa kaya natawa ako.

"Yucks papa, maganda? Si ate? Saan part?" Sabi niya kaya binatukan ko siya.

"Sakmalin kita jan ehh, tara na" singhal ko sakanya at nilapitan yung kambal saka humalik sa magkabilang pisngi nila. "Alis na po kami" paalam ko ulit bago kami lumabas ng bahay at naglakad papuntang kanto.

"Ayy hala ate!" Nabigla naman ako ng biglang parang magpanic si Pejay kaya napatingin ako sakanya.

"Ano? Bakit?" Tanong ko.

"May naiwan ako" Sabi niya.

"Alin? Nako naman ehh kung kailangan nandito na tayo at sasakay na ehh" Sabi ko at lumingon sa dinaanan namin saka tumingin ulit sakanya.

"Yung panty ko" inambahan ko naman siya ng batok at tinarayan.

"Bwisit ka! Akala ko kung ano na ang naiwan mo." Sabi ko at pinara yung tricycle na paparating.

Tricycle na lang kami at baka kung ano na naman ang mangyare kapag nag- jeep pa kami jusme.

Ilang minuto lang at nakarating agad kami sa eskwelahan at nakita ko naman sila mistisong hilaw sa may gilid.

Anong ginagawa ng mga 'yan jan?

"Oyy si Czar, nanjan na" rinig kong sabi ni Val kaya napalingon sila saakin at nagsilapitan.

"Mga fafa" rinig kong bulong ni Pejay kaya tinignan ko siya ng masaya.

"Baklang 'to, tumigil ka ahh at baka maitulak kita jan" Sabi ko.

"Zup Czar! Wow astig ng pormahan natin ngayon ahh" Sabi ni Zendel kaya natawa ako.

Nakasuot kasi ako ng jogger at crop top na damit pero hindi naman yung labas bewang, natatakpan pa naman yung katawan ko pero kapag nagtaas ako ng kamay talagang makikita though naka tube naman ako ng itim.

Si mama kasi, eto daw suotin ko, kasama ko naman daw 'tong baklang 'to kaya ayos lang. Ehh wala nga akong tiwala dito, baka kapag may lumapit saaming lalaki siya pa yung unang tumakbo tch.

"Kasama mo pa talaga 'tong kapatid mo, hi bayaw!" Sabi ni mistisong hilaw at makikipag apir sana kay Pejay pero tinignan lang siya meto at tinarayan.

"Bayaw mo mukha mo, lika na nga ate sa loob" Sabi niya at iniwan kami.

"Hahahahahahahahaha ayy barbie sabi ko na!" Sabay-sabay nilang kanta kaya natawa na lang ako.

"Ang pogi sana ng kapatid mo kaso barbie" Sabi ni Val.

Miss Super High Standars (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon