CHAPTER 37

206 23 0
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

Ilang minuto lang ang tinagal dito nina Allen at bumalik din naman sila sa inuupuan nila. Nakangiti naman akong bumalik sa tabi ni mistisong hilaw kaya nakangiti din siyang tumingin saakin.

"Mukhang kilala mo na 'yung nagpapadala ng sulat sa 'yo ahh" sabi niya.

"Hmmm tsaka matagal ko na talagang iniisip kung sino talaga, kasi kung ikaw 'yung binigyan niya nung una pa lang it means kilala ka niya o kilala mo siya. Then biglang nakita ko silang dalawa na kasama mo kaya naghinala na ako na pwede sa kanilang dalawa ang posibleng nagpapadala ng sulat." Sabi ko.

*Pak*

"At tarantado ka hindi mo pa sabihin at talagang pinahirapan mo akong mag-isip" sabi ko pa matapos siyang batukan.

"Pards naman! Edi hindi magiging maganda kung sinabi ko sa 'yo, eto ikaw na nga tinulungan ikaw pa 'tong nambabatok" nakanguso niyang sabi kaya hinimas-himas ko naman yung batok niya saka ko sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Ayy sorry naman hahahaha" sabi ko sabay upo ulit ng maayos.

"Pero kahit na nakilala mo na siya wala pa rin magbabago ha! Stay single ka" sabi niya kaya tumawa ako at hinarap siya.

"Oo naman! Liligawan mo pa ako ehh" biro ko at mas natawa pa.

"Hala ang lakas naman yata ng tama mo saakin niyan pards hahahahaha pero 'wag kang mag-alala dahil gwapo ako... ano ka gold para ligawan kita? Duh 'wag na lang" sabi niya sabay irap saakin kaya nawala naman ang ngiti ko saka ko siya pinagpapalo sa balikat.

"Napakasalbahe mo! Hindi ka na lang sumakay sa trip ko, napa KJ mo ehh 'no?" Sarkastiko kong sabi at siya naman tumawa ngayon.

"Hahahahahaha iniinis ka lang ehh tsaka alam mo namang hindi na kita papahirapan, kung saan ka masaya doon na ako, at hindi ko na ipagsisiksikan ang sarili ko kung hindi naman ako ang gusto mo kapag dumating ang panahon na handa ka na sa commitments" Seryosong sabi niya kaya bigla naman akong natahimik.

"Seryoso ka jan? Hahaha parang tanga 'yo biglang humugot hahahahaha" pag-iiba ko ng usapan.

Medyo masakit sa part na sinabi niya ang mga katagang 'yon dahil totoo naman, malay mo pagdating ng araw may makilala pa akong iba at hindi natin alam ang mangyayare sa buhay natin in the future.

O 'di kaya malay mo mamatay na lang ako bigla ng hindi mo inaasahan hahaha 'di joke lang!

"Guys guys guys! Be ready kayo na ang sunod." Biglang sulpot ni sir kaya nagsitayuan naman kami at bigla ulit nangibabaw ang kaba saakin. "Good luck sainyo, 'wag masyadong kakabahan ha kaya niyo 'yan" sabi niya bago kami nagdikit-dikit..

"Para sa grade" sabi ni Val sabay lahad ng kamay niya sa gitna kaya natawa kami sakanya.

"Para sa grade!" Sabay-sabay naming sabi at pinagpatong-patong ang kamay at ako ang nasa pinakataas. "Fighting!" Sabay-sabay ulit naming sabi saka itinaas ang kamay.

Winisik-wisik ko naman ang kamay ko para matanggal ang kaba saka ako huminga ng malalim.

"And now! Let's us all welcome! The last group, lodi ng mga lodi! From Divine National High School! Let's us all welcome! THE LODI'S!" Sabi ng mc kaya pumasok na kami at lumabas sa back stage.

Halos marinig ko na ang kalabog ng dibdib ko at sumabay pa ang mga sigawan ng mga tao sa harapan namin.

"Good luck saatin" rinig kong sabi ng mga kasama ko sa likod kaya huminga ulit ako ng malalim at pumwesto sa harapan bago yumuko.

Miss Super High Standars (Season 1)Where stories live. Discover now