CHAPTER 33

219 24 0
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

Habang nandito ako sa sulok ng dance room, pinapakinggan ko ng mabuti 'yong music ng sayaw namin habang nakatulala lang ako.

*Poink*

"Hoy tulala ka na jan, problema mo?" Biglang pitik ni mistisong hilaw sa ilong ko.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at umusog ng konti para makaupo siya sa tabi ko.

"Nakikinig ako ng music parang ano naman 'to ehh" sabi ko at pinakita sakanya yung earphone na hiniram ko kay Val.

Malinis naman 'to kasi pinunasan niya kanina bago ibinigay saakin.

"Ahh akala ko kung may problema ka na naman jan, kumusta na pala kayo ni tita?" tanong niya at kinuha yung kapares ng earphone bago nilagay sa tenga niya.

"Ayos na naman, parang wala lang nagyare" sabi ko.

Kagabi kasi tinanong niya lang ako kung sa sabado na yung performance namin tsaka ayon kinausap lang ako tungkol doon na parang wala siyang nabasa na leter kahapon.

Ganyan naman talaga si mama ehh at siguro naman hindi niya pa naman sinasabi kay papa 'yon kasi kung oo nasermonan na ako ni papa kagabi at sana maga ang mata ko ngayon pero hindi naman.

"Buti naman, ehh yung kapatid mo nasa traning pa?" tanong niya ulit.

Eto kung makapag kamusta todo-todo ehh mukhang pulis kakatanong hahahahaha.

"Nakauwi na hindi mo nakita? Kasama ko kanina"

"Ehh makikita ko baga naman 'yon kung hindi naman kita nakasalubong pagpasok kanina" pilosopo niyang sabi.

*Pak*

"Ehh malay mo diba nakita mo kami hindi ka lang lumapit, eto parang tanga na naman" sabi ko sabay tayo.

"Aray ko hahahaha nabatukan pa tuloy ako." sabi niya at tumayo na din saka sumunod saakin.

"Mga bakla tapos na daw yung mga damit niyo, gusto niyo na ba makita?" Biglang tanong ni sir saamin habang tinatakpan niya yung speker ng phone niya kaya nagkatinginan naman kaming lahat.

"Sige sir" sagot nila kaya napatango na lang din ako.

Alangan naman na humindi ako hahahahaha.

"Sige sige tapos, iuuwi niyo na sainyo ahh" sabi ni sir at tumalikod ulit saamin.

Lumapit naman kami ni mistsong hilaw sakanila at naiisipan ko namang humarap sa napakalaking salamin dito at kumuha ng litrato.

"Oyy sama ako jan" sabi ni mistisong hilaw at lumapit saakin.

"Hoy kami rin!"

"Sali niyo kami"

"Bakit kayong dalawa lang ha?"

"Hoy dapat nanjan ang gwapong si kami!"

"Teka teka teka kami pa oyy!"

Biglang naman silang nagsilapitan sa likod ko at pumwesto kaya natawa na lang ako.

"Teka lang hindi tayo kasyang lahat, yung iba dito sa unahan at umupo" sabi ko at agad namang nagsikilos kaya napailing na lang ako.

"Ohh 'yan game na Czar" sabi ni Val na siyang nasa may paanan ko.

"Ghe. Ngumiti kayong lahat ahh sasakmalin ko ang hindi ngumiti" sabi ko at hinawakan ng maayos ang cellphone ko. "One. Two. Three smile" sabi ko at sabay-sabay naman kaming ngumit.

Miss Super High Standars (Season 1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin