CHAPTER 2

895 47 2
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

"Bye Czar!" Sabi ni Frenchie habang kumakaway pa. "Have a sweet dreams! Sigurado akong hindi ka makakatulog niyan bwahahahahahaha" sabi niya pa habanag palukso-luksong naglakad palayo.

Napangiti naman ako ng maalala 'yong nangyare kanina.

*Flashback*

"O.M.G" rinig kong sabi ni Frenchie.

Omg talaga!!!

"Sa 'yo ba 'to?" Tanong ni Lawrence saakin

OMG!!!!!! Si crush. Lawrence Nacor. 15 years old and one of the handsome drumer of this school. Moreno at may pakafierce look, dancer and singer din, matangkad ng konti saaken at... at super pasok sa banga– ay este, pasok sa standard na hinahanap ko sa lalaki!

Omshiiiiii! Ang bilis ng tibok ng puso ko, na para bang sasabog na ito sa lakas at parang lalabas na eto sa sobrang bilis, unti-unti rin pumapatak ang aking mga pawis– char! Hahahahahaha tumutula na ako ehhh.

"Sa 'yo din ba 'tong panyo?" Tanong naman ng isa.

Hindi ko to kilala pero... OMG! Ang GWAPO! Matangos na ilong at kissable lips! Ohhh angkinin mo ako– char lang ulit hahaha pero tuloy natin yung pagde-describe. Maamong mukha ohhh sh"t! Double sh*t! Saluhin niyo ako, mahihimatay ata ako. Chos!

"A-ahhh oo. Hehehehe salamat" sabi ko saka ko nanginginig ang kamay na inabot yung panyo at wallet ko sakanilang dalawa.

Nang makuha ko sakanila, balak ko na sanang tumalikod nang magsalita 'yong isa.

"By the way, I'm Mark Jade" sabi niya sabay lahad nung kamay saakin.

Tinignan ko muna ang kamay niya  bago ko abutin 'yon.

"Czarrinne" sabi ko.

Ghadddd! Ang lambot ng kamay! Shemay!

"You know my name, alis na ako" napatingin naman ako kay Lawrence ng sabihin niya 'yon kaya binitawan ko na ang kamay ni Mark Jade.

Baka magselos ehhh. Charing!

Kilala ako ni Lawrence. Nakapartner ko siya nung grade 7 sa sayaw at doon nagsimula na magkaroon ako ng crush sakanya.

"Nice to meet you Czarrinne, alis na rin ako. Bye, see you next time" nakangiti niyang sabi.

OMG!! Ang pogi lalo. Tinanguan ko naman siya at tinanaw paalis.

"Omg. Beb ayos ka lang? Buhay ka pa ba? Ano dadalhin na ba kita sa punerarya?" Sabi ni chie.

*Pak*

"Punerarya ka jan. Naabot ko ata 'yong langit bhieeeee!" Sabi ko at tinapat yung kamay kong hinawakan ni Mark Jade sa dibdib ko at hinawakan ng isa ko pang kamay.

"Gaga ka dalawang pogi 'yon. Ngayon nakita mo na si Mark Jade ano feeling?" Sabi niya at hinawakan yung kamay kong nahawakan ni Mark Jade kaya tinapik ko ang kamay niya.

"Heaven" nakangiti kong sagot at masayang naglakad papunta sa canteen.

*End of Flashback*

"Hoy ate nanuno ka ba? Bakit nakangiti ka jan" sundot sa pisngi saakin ni Pejay.

"Wala kang pakialam. Tara uwi na tayo" sabi ko at inakbayan siya.

"Anong oras na ba?" Tanong niya.

"6:40 bakit?" Sabi ko matapos tignan ang oras sa cellphone ko.

"Hintayin mo ako, may bibilhin lang ako sa lucky educational" sabi niya kaya tumango naman ako.

Miss Super High Standars (Season 1)Where stories live. Discover now