CHAPTER 19

298 26 0
                                    

⚛⚛⚛

ALLEN

It's monday and tumawag saaken 'yong tatay ni Justine na may ari nung printing shop doon sa mall kaya nakangiti na naman akong naglakad paalis ng school para kunin iyong sulat ni Czarianne.

Syempre kasama ko na naman si Justine.

"Ang ganda sigurong maging ikaw sa pagkakataong 'to, 'no Allen?" Sabi niya kaya tumango naman ako habang naglalakad.

"Paano mo nasabi?" Tanong ko.

"Palagi kang nakangiti ehh, inspiradong-inspirado sana all hahahaha" Sabi niya at hinampas yung balikat ko.

"Ganyan talaga" sagot ko.

Nang mkarating kami sa shop nila, agad naman saakin binigay ni Tito 'yong sulat kaya binuksan ko kaagad 'yon saka naupo sa loob nung shop nila bago binasa 'yong sulat ni Czar.

Hi Mr. Admirer! Actually itatapon ko na sana yung letter mo nung una kung hindi lang talaga namilit yung best friend ko na basahin 'yon. Tanong ko lang kilala mo ba si Jellian? At oo sa tingin ko friends muna tayo ngayon. Totoo!? Nagkita na tayo? Ang dami ko na nakasalamuhang lalaki ehh kaya hindi ko alam kung sino ka doon hahahahaha. Yieee pinapakilig mo naman ako ehh hahaha 'wag ganon baka mamaya mafall ako bigla. Char! At eto ang sagot ko sa tanong mo. Hindi mo na kailangan mag adjust para saakin, kung sino ka ayos na 'yon saakin. Hindi naman talaga maiiwasan na magalit o mainis tayo diba? Lahat tayo may good and bad sides at hindi sa lahat ng oras makikita ko ang good sides mo tama? Kaya kung ano ka 'eag mong baguhin 'yon ng dahil lang sa may ayaw akong katangian sa 'yo.

So 'yon lang din naman ang masasabi ko. Ako may tanong ako sa'yo, matanda ka ba saakin o mas bata pa? Pwede kitang tawaging kuya kung matanda ka saakin, ehh baka mamaya  matanda ka pa pala saakin hindi ako gumagalang hehehehe. So that's the question for today Mr. Admire hahahahah joke lang, have a great day/ night ahead Mr. Admire^_^

"Luh luh luh luh. Tignan mo mukha neto mama ohh! Pulang-pula oyy gago ang lakas talaga ng tama mo" Sabi ni Justine saakin pero nakangiti pa rin ako bago tumayo at inakbayan siya

"Alis na po kami Tita, maraming salamat po! Tito Salamat po! Balik na lang po ako mamaya" Paalam ko kaya kumaway naman sila saamin.

Hay buhay parang life.

CZARIANNE

Uuwian na at napadaan kami dito sa printing shop dito sa LCC, at napahinto ako ng tawagin ako nung nag-babantay doon.

"Ako po?" Tanong ko habang nakaturo sa sarili ko.

"Oo ikaw iha, halika dito" Sabi niya kaya tumingin naman ako sa pwesto ni Pejay na bumibili ngayon ng siomai sa kabilang dulo bago ako lumapit doon sa babae.

"Ano po 'yon?" Tanong ko.

"Eto na 'yung sulat" nakangiti niyang sabi kaya napatingin naman ako sa hawak niya bago 'yon kinuha.

"S-salamat po" nahihiya kong sabi.

Shackss! Nakakahiya 'to sobra! Iba naman kasi yung binigayan ko ng sulat kanina, yung lalake 'yon kanina.

"Walang ano man. Kapag meron ka ng reply iwan mo lang dito ha" nakangiti niyang sabi bago ako tinalikuran.

"Ate" tawag saaken ni Pejay kaya dali-dali ko naman binulsa ang sulat saka humarap sakanya.

"Nakabili ka na?" Tanong ko at nagkunwareng walang nangyare.

"Hmm eto ohh" Sabi niya at tinaas yung hawak niyang maliit na plastic. "Anong ginagawa mo jan?" Tanong niya at sinilip yung loob ng printing shop.

Miss Super High Standars (Season 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt