CHAPTER 25

242 24 0
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

Papaalis na sana kami ni Pejay at ready ng umuwi ng bigla akong hilahin ni mistisong hilaw sa damit kaya napabalik ako.

"Naman ehh! Bakit ka ba nanghihila?" Inis kong sabi kasi nasakal ako promise!

"May sasabihin daw si sir, ikaw lagi talagang atat umuwi 'no?" Sabi niya kaya inirapan ko lang siya.

Nauna na si Justine at Allen saamin at bigla akong parang nalungkot ba't ganon?

"So guys diba next saturday na ang performance ninyo?" Sabi ni sir patungkol doon sa contest na sinalihan namen– este nila kasi sumali lang naman ako sakanila.

"Opo" sagot namin.

"So we have an practice sa wednesday to friday, papasok ba kayo sa workshop sa sabadong 'yon?" Sabi niya.

"Oo naman sir, tsaka ala syete pa naman ang simula no'n diba po?" Sabi ko at tumango-tango naman sila.

"Sigurado kayo? Baka mapagod kayo niyan" sabi niya.

"Hindi 'yan sir." Sagot ko kasi nagmamadali talaga ako. "Sir kailangan ko na kasing umuwi–"

"Sige na, sige na" putol niya sa sasabihin ko at mukhang alam niya na kung bakit kailangan ko ng umuwi.

Siguradong hinahanap na kami ni kama sa bahay, may curfew hahaha. Pero hindi naman yata cyon magagalit kasi nagtext na ako kaninang break namin na mukhang male-late kaming umuwi.

Nakarinig naman ako ng sunod-sunod na yabag na tumatakbo mula sa likod namin at alam kong sila mistisong hilaw 'yon.

"Uuwi na kayo?" Tanong ni mistisong hilaw.

"Hindi hindi maglalakwatya pa kami." Sarkastiko kong sabi at masama siyanh tinignan. "Kita mo na ngang nagmamadali ehh" sabi ko kaya tumawa naman siya.

"'wgg ka ng magmadali naghtext saakin si tita kanina at pinaliwanag ko na kung bakit kayo uuwi ng alas singko ngayon" nakangiti niyang sabi kaya nagdahan-dahan na ako sa paglalakad.

"Ang higpit din pala ng mama mo 'no, Czar?" Sabi ni Val kaya tumango ako.

"Talaga kaya walang nagbabalak na mangligaw jan hahahahaha" sabi ni mistiisong hilaw kaya nabatukan ko. "Bakit? Totoo naman ahh!" Sabi niya habang tumatawa pa rin.

"Hindi dahilan yung pagiging mahigpit ni mama kung bakit walang nanliligaw saaki tange!" Sabi ko.

"Ehh ano pala?"

"Bata pa ako oyy! Tsaka sa edad nating 'to hindi dapat puro lablayp ang nasa utak natin lalo na kayo, ikaw, ikaw, ikaw, ikaw at ikaw!" sabi ko at tinuro sila isa-isa.

"Luh bakit kami nasama" sabi ni Zendel.

"Mag-aral muna ng mabuti bago ang mga 'yan" sabi ko habang patuloy na naglalakad pero napahinto ako ng maramdamang hindi na sila sumusunod kaya lumingon ako.

"Opo master!" Sabay-sabay nilang sabi habang nakaluhod at nakayuko sa daanan at nakahelera pa sila!

"Hahahahahahahahahaha anong ginagawa niyo jan? Hahahahaha" natatawa kong sabi.

Tumayo naman sila at nilagay naman ni Ken ang kamay niya sa bulsa nung jogger niya.

"Ang galing mo mag-isip 'no? Idol ka talaga namin" sabi niya at nay patango-tango pang nalalaman.

"Pft. Ewan ko sainyo" natatawa kong sabi sabay talikod ulit kaya sumunod naman sila.

"Pero Czar, etong ang pangmalupitan na tanong ko sa 'yo" sabi ni Renzo sabay hinto sa paglalakad kaya huminto ulit kami.

Miss Super High Standars (Season 1)Where stories live. Discover now