CHAPTER 7

495 36 0
                                    

⚛⚛⚛

JELLIAN

Hay sa wakas may POV na din. Thank you Miss Bae!

(Your very much welcome? Hehehe)

Tanghali na at nandito ulit ako sa mall para ibigay naman 'tong sulat ni pards.

"Jellian" bati ni JL "Kanina ka pa ba dito?" Tanong niya.

"Hindi naman. Eto na pala 'yung sulat ni pards" sabi ko at inabot yung sobreng ginawa ni pards doon sa isa niyang kasama. Nagulat pa siya bago kunin 'yon saakin. "Ginawa niya pa 'yan, mukhang nagustuhan ni pards 'yong sulat mo" nakangiti kong sabi habang nakatingin doon sa sobre.

"Talaga?" Nakangiti niyang tanong bago tumingin saakin.

"Hmm. Hindi niya gagawin 'yan kung hindi" sabi ko. "Mauna na ako sainyo, tawagan niyo nalang ulit ako." Sabi ko at tinapik silang dalawa sa balikat.

"Salamat, Jellian" sabi ni JL.

"Salamat" sabi naman nung isa.

Tinanguan ko lang sila at naglakad na papuntang eskwelahan.

Curious ako, ano kaya laman no'n? Syempre sulat diba, I mean kung anong nakasulat? Ayy hayaan na nga.

*****

"Oyy yema gilid nga, kitang-kita ko 'yang likod mo" sita ko kaya Jemma. Nakaharang kasi sa blackboard.

"Tanga nakaharap ako sa 'yo" parang pusa niyang sabi.

Alam niyo yung pusang nagulat? Ganon na ganon ang mukha niya ngayon.

"Yieee saakin raw, pero nakaharap ka pala? Kala ko kasi nakatalikod ka, palibhasa walang dibdib" sabi ko sakanya pero bulong na lang 'yung huling sinabi ko.

"Bwisit ka talaga! Narinig ko 'yon!" Singhal niya.

"Malamang may tenga ka, tch ikaw talaga hindi– aray! Aray! Aray! Yema, bitaw. Pres may pogi abuse dito ohh!" Sabi ko habang pilit tinatanggal yung kamay niya sa tenga ko.

"Pogi abuse ka jan. Walang ganon oyy masyado kang assumero" rinig kong sabi ni pres.

"Walang basagan ng trip. Yema, bitaw na kasi" sabi ko.

Nakita ko naman yung maliit niyang notebook sa bulsa ng palda niya kaya kinuha ko 'yon.

"Ibalik mo 'yan" sabi niya at inabot-abot 'yon saaken habang nakahawak pa rin sa tenga ko.

"Aray yema nasasaktan na ako. Bitaw na ibabalik ko 'to" sabi ko kaya bumitaw naman siya at dahil gusto kong gumanti tumakbo ako palabas at itinakas sakanya yung diary niya.

"Jellian! Ibalik mo 'yan ano ba!" Sigaw niya habang tumatakbo kami sa hallway.

"Ang ingay mo!" Sigaw ko din at patuloy na tumakbo hanggang narating namin 'yung kabilang building at umabot kami sa second floor.

Nakita ko naman si pards na naglalakad kaya huminto ako sa tabi niya.

"Ohh mistisong hilaw napaano ka?" Gulat niyang tanong.

"Ha! Bwisit... ka... Jellian pagod na pagod ako kakahabol sa 'yo! Saakin na nga 'yan!" Hingal na hingal na sabi ni Yema saka inagaw yung notebook sa kamay ko. "Hi Czar! Pabatok na lang ako jan sa pangit na 'yan ha, balik na ako bye!" Sabi niya at ngumiti pa.

*Pak*

"Uhmm. Ano na naman kalokohan ang ginawa mo?" Batok saakin ni pards saka nagsimulang maglakad.

"Ehh paano hinila 'yung tenga ko! Kaya–"

"Excuse me?" Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang may sumabat.

Miss Super High Standars (Season 1)Where stories live. Discover now